^

Punto Mo

Sgt. Mayo, balak gawaran ng Medalya ng Kagitingan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAY rekomendasyon pa na gawaran ng award na “Medalya ng Kagitingan” itong si Sgt. Rodolfo Mayo Jr., ang pulis na nakuhaan ng 990 kilos ng shabu na nagkakahalagang P6.7 bilyon sa Tondo, Manila. Susmaryosep! Lilinawin ko mga kosa na ang award ay hindi para sa 990 kilos ng shabu kundi sa pagkahuli kay Juden Francisco sa Pasig City kung saan si Mayo ay umakto pang arresting officer. Sanamagan!

Kaya lang napurnada ang award dahil nabuking sila ni Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng Committee on Dangerous Drugs. Sa motu propio hearing na ipinatawag ni Barbers, lumitaw sa mga bibig nina ex-PDEG chief Brig. Gen. Narciso Domingo at iba pang opisyal na hindi totoo na may malaking warehouse ng shabu sa Pasig. Ordinaryo lang na service of arrest warrant itong kaso ni Francisco. Mismooooo! Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito!

Sa 32 pages na report ni Barbers, idiniin n’ya na itong rekomendasyon ng taga-PDEG na bigyan ng medalya si Mayo ay kasama sa tangkang “cover-up” sa kaso. Tsk tsk tsk! Halos isang toneladang kilo ng shabu ang nakumpiska sa kanya, pagkatapos ay iiwas s’yang kasuhan? Bakit? Si Domingo lang ang may kasagutan dito, di ba mga kosa?

Napuna pa ni Barbers na noong inventory ng droga at iba pang ebidensiya, hindi kasama si Mayo, na taliwas sa kautusan ng Korte Suprema. Araguyyyyy! Kung hindi lang dahil sa pagtawag ni ex-PDEA director Wilkins Villanueva kay ex-PNP chief Gen. Junaz Azurin maaring na-release at naabsuwelto pa si Mayo. Dipugaaaaa! Anyare?

Hindi lang ‘yan, napatunayan din ni Barbers na hindi totoo na si Mayo ay naaresto sa Bambang noong October 9, 2022 matapos ang buy-bust operation ng dalawang kilo ng shabu laban kay Ney Atadero, ang caretaker ng WPD Lending office. Walang buy-bust operation vs Atadero, ani Barbers. Sa CCTV footage na nakuha ni Barbers, maliwanag pa sa sikat ng araw na dumating itong si Atadero sa WPD Lending sakay ng kanyang motorsiklo ng bandang 1:16 p.m. noong October 8, 2022.

Makalipas ang apat na minuto, nakita itong si Atadero na kausap si Pat. Hassan Kalaw sa harap ng gusali. Habang kausap ni Atadero ang PDEG operatives, makikita sa CCTV ang nakaposas na si Mayo ng bumaba ito sa SUV Montero, na ineskortan ni M/Sgt. Lorenzo Catarata. Hehehe! Gusto pang magpalusot eh. Eh di wow!

Makikita rin sa CCTV ang pagdating ng iba’t ibang sasakyan kung saan aalis lamang kapag may karga na itong bag na posibleng may laman ng shabu. ‘Ika nga pilferage ng ebidensiya, di ba mga kosa? Tumpak naman dahil may nakumpiska pang 42 kilos ng shabu na umano’y reward sa tipster sa pagkaaresto kay Mayo. Araguyyyyy! Hehehe! Kanya-kanyang recycle lang ‘yan!

“Due to the inconsistencies in their restimonies, it became apparent that there was really an attempt to cover up the arrest of M/Sgt. Mayo. All of them are in conspiracy to release M/Sgt. Mayo,” ayon kay Barbers, patungkol sa mga pulis na resource persons sa hearing. Kaya inirekomenda ni Barbers na sampahan ng criminal at administrative cases itong si Domingo at kanyang mga tauhan na sangkot sa operation sa WPD Lending at sa follow up sa Pasig. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang nakapagtataka lang, hindi kasali si Azurin ang nirekomendang kasuhan ni Barbers samantalang hagip ito ng aspetong command responsibility. Malinaw naman sa tinuran ni Domingo na ang lahat ng action niya ay may basbas ni Azurin. Abangan!

MEDAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with