Hindi dapat gawin sa anak
February 28, 2024 | 12:00am
NARITO ang ilang kamaliang nagagawa ng ibang magulang sa kanilang anak base sa point of view ng mga child psychologists:
- Nanghihiya. May inang nanampal ng anak sa harap ng ibang tao. Mabuti raw na hiyain paminsan-minsan para magtanda. Sa halip magtanda ang bata, ang “sugat” sa puso nito dulot ng panghihiya ng ina ay hindi na naghilom kahit kailan.
- Mahilig magdayalog ng “Basta’t sundin mo, ang sinasabi ko”. Ipaliwanag kung bakit kailangan niyang sundin ang iniuutos mo. Di ba’t nakakawalang ganang gawin ang isang bagay kung walang dahilan? Ano, robot, na basta na lang susunod?
- Hindi pinapansin ang anak kapag busy sa trabaho. Para hindi maging guilty sa ganitong kamalian, gawing mantra for life ang mga katagang ito: Ang mga anak ko ang aking number one priority!
- Minamaliit ang talino ng anak porke bata pa siya. Sa sobrang moderno ng mundo ngayon, minsan mas smart pa ang mga anak kaysa magulang nila. At saka paano siya magtitiwala sa kanyang sarili kung ikaw mismong magulang niya ang walang bilib sa kanya. Kadalasan, mga anak ang nagtuturo sa kanilang parents kung paano mag-operate ng computer, kung paano mag-open ng account sa social media at kung paano gamitin ang iba’t ibang app sa mga gadget.
- Madaldal at mataray. Ang kaya lang tandaan ng average human brain ay 5 to 9 items at a time. Sa sobrang dami ng idinadaldal ng ama at ina, na may kasamang pagtaas ng boses, walang matandaan ang bata kahit isa.
- Kinukonsensiya ang bata para sumunod ito. “Hala, pupunta ka sa impiyerno kapag hindi ka sumunod. Kasi magagalit si Jesus sa iyo”. Hindi pa ganoon kalalim ang kanilang pang-unawa kaya sa halip na magbunga ito ng kabutihan, magiging “horror” ang pagtingin niya sa relihiyon.
- Pinagbabantaan ang bata kapag hindi sumunod. Ang objective natin ay magpalaki ng batang masunurin na ginagamit ang common sense at hindi batang sumusunod dahil natatakot na parusahan siya.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended