^

Punto Mo

Ekstrang pakinabang

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Ang toothpaste ay hindi lang panlinis ng ngipin, pampahid din sa kamay­ na amoy bawang o sibuyas pagkatapos magluto.

2. Ang mayonnaise ay hindi lang sa salad, pampatay din ito ng kuto sa inyong ulo.

3. Ang aspirin ay hindi lang gamot sa sakit, pantanggal din ito sa naninilaw na ilalim ng manggas ng white polo uniform dahil sa deodorant. Durugin ang aspirin at lagyan ng tubig para maging paste. Ipahid sa ilalim ng manggas at ibabad ng 15 minuto o higit pa. Saka kusutin ng kamay o gumamit ng washing machine.

4. Ang Lipton tea ay hindi lang pantunaw ng kinain, pampakintab din ito ng buhok. Ibabad sa mainit na tubig ang tsaa. Palamigin. Dagdagan ng tubig. Itabi muna. Mag-shampoo. Banlawan ng tubig. Ang huling ibubuhos sa buhok ay ang pinalamig na tsaa.

5. Ang apple cider vinegar ay hindi lang gamit sa pagluluto, puwede rin ipahid sa kagat ng lamok upang hindi mangati.

6. Ang 7UP ay hindi lang pampalamig, pampatagal din ng buhay ng bulaklak sa vase. Ito ang pagbabaran sa halip na tubig.

7.  Ang Vodka ay hindi lang pampalipas ng problema, puwede rin itong disinfectant ng inyong toothbrush.

8. Ang baby oil ay hindi lang pampahid sa kutis ng babies, pampahid din ito sa cracked heels or nagbibitak-bitak na sakong.

9. Ang kamatis ay hindi lang pansahog sa lutuin, ang juice nito ay mainam na pampahid sa napasong balat.

10. Ang lumang plastic shower cap ay mainam gawin pambalot ng sapatos para hindi magkaalikabok.

ONION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with