^

Punto Mo

Palatandaan na nagiging ‘toxic’ ka sa sarili mo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Lagi mong iniisip ang sasabihin ng mga tao sa iyo kaya hirap ka sa pagdedesisyon para sa iyong buhay.

• Hindi ka marunong magtakda ng iyong “boundaries”. Hinahayaan mong abusuhin ng ibang tao ang iyong kabaitan.

• Ang hilig mong magsabi ng sorry kahit hindi mo naman kasalanan.

• Patuloy ka pa rin nakikipagbarkada/nakikipagrelasyon sa mga taong hindi ka tinatrato nang tama.

• Nagiging habit mo na ang pagtsetsek ng phone kahit alam mong ayaw na niya sa iyo.

• Sobra mong pinepersonal ang kritisismo sa iyo ng ibang tao. Huwag mong personalin iyon dahil una sa lahat hindi ka nila kilala nang personal.

• Lagi mong ikinukumpara ang sarili mo sa ibang tao, tapos sa bandang huli sumasama ang loob mo dahil sumasampal sa iyo ang katotohanan na mas nakahihigit sila at talo ka na naman sa comparison.

• Tulog ka nang tulog para matakasan ang mga problemang bumabagabag sa iyo.

• Sumasang-ayon ka sa opinyon ng ibang tao kahit alam mong kontra ka sa sinasabi niya.

• Ikinakahiya mo ang iyong imperfection. Halimbawa, bobo ka sa math, sa halip na humingi ng tulong sa kaklase na turuan ka sa lesson ninyo, sinasarili mo na lang ito at hahayaang bumagsak sa exam.

• Hinahayaan mong mag-settle ka sa mababang posisyon sa trabaho at suweldo dahil tamad ka o hayaan na lang palpak ang pakikipagrelasyon dahil pakiramdam mo ay wala nang magkakagusto sa iyo.

vuukle comment

TOXIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with