^

Punto Mo

Babae na nagparetoke ng mukha, tumakas sa ospital para makalibre sa hospital bills!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Turkey ang tumakas sa ospital kung saan siya nagparetoke para makalibre sa kanyang pagbabayaran!

Naganap ang insidente noong nakaraang linggo sa isang private hospital sa Sisli, Istanbul kung saan nakunan ng cell phone video ang pagtakas ng suspek.

Sa naturang viral video, mapapanood ang babae na nasa kalsada sa labas ng ospital. Nakasuot pa ito ng surgical gown habang nakikipagtalo sa mga medical staff na pumipigil sa kanyang pagtakas. Makikita rin sa video na nakabalot pa sa benda ang mukha nito at namamaga pa ang mukha mula sa operasyon.

Ang hindi pinangalanang babae ay isang foreigner at dumayo lamang sa Turkey para magparetoke. Napag-alaman din na kumplikado ang plastic surgery procedure ng suspek kaya nagulat ang mga nurse nang bigla itong tumakbo palabas ng ospital matapos magising mula sa operasyon. Napabalik ang babae sa loob ng ospital sa tulong ng security staff ng ospital.

Isa ang Turkey sa top destination ngayon ng mga taong nais sumailalim sa cosmetic surgery. Dahil mas mura ang pagpaparetoke roon, dinadayo ito ng mga taga-Europe at North America para sa mga procedure tulad ng hair transplant, rhinoplasty, liposuction at breast implants.

Ayon sa news agencies, hindi malinaw kung paano naresolba ang insidente dahil tumanggi nang magbigay ng pahayag ang ospital.

vuukle comment

PLASTIC SURGERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with