^

Punto Mo

Paano kung hindi mo pa oras, pero gusto mo nang mamatay?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Nabasa ko sa isang website na nagplanong magpakamatay ni Angelina Jolie noong kasagsagan ng kanyang depresyon. Hindi pa sila nagkakakilala ni Brad Pitt at hindi pa siya sikat. Ngunit nagbago ang plano niya. Sa halip na magpakamatay, nag-hire siya ng hitman para ito ang pumatay sa kanya.

Naisip kasi niya na mas masasaktan ang kanyang pamilya kapag nagpakamatay siya. Mas magaan nilang matatanggap na kaya siya namatay ay may pumatay sa kanya. Nakakuha siya ng contact killer. Pero bago tanggapin ng lalaki ang assignment, kinausap niya si Angelina. Sabi nito: “Pag-isipan mo muna ang ipinagagawa mo sa akin. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganyang klaseng trabaho na ang ipinapapatay ay kanyang sarili. Pagkatapos ng dalawang buwan, saka mo ulit ako kontakin.”

Pagkatapos ng dalawang buwan, nagbago ang isip ni Angelina. Gusto na niyang ipagpatuloy ang buhay.

Kaiba ang istorya ng pagpapakamatay ng mag-asawang matanda na sina Charlie, 87 at Francie Emerick ng Porland Oregon. Hiniling nilang kitilin na ang kanilang buhay nang magkasabay. Pumanaw sila ng halos magkasabay noong April 20, 2017 pagkatapos painumin ng gamot na nakamamatay. Ang ginawa sa mag-asawa ay sarili nilang kahilingan sa ilalim ng Death with Dignity Law.

Si Francie ay may sakit sa puso samantalang si Charlie ay may prostate cancer at Parkinson’s disease. Ayon sa anak at manugang ng mag-asawa, matagal nang plano ng kanilang magulang ang sabay na pagpapakamatay.

Upang maisakatuparan, sila ay lumapit at humingi ng tulong sa grupong End of Life Choices Oregon. Ito ay isang non profit agency na sumusuporta sa mga taong nais gamitin ang Death with Dignity Law.

Sa ilalim ng batas na nabanggit, ang qualified na magsagawa ng legal suicide ay mga adults na matagal nang pinahihirapan ng kanilang sakit. Bibigyan sila ng prescription medication na kanilang iinumin para mamatay. As of February 20, 2017, California, Colorado, District of Columbia, Oregon, Vermont, at Washington ang may ganitong klaseng batas. Base sa Oregon.gov, ang legal suicide ay ipinasa noong 1997 at umabot na sa mahigit isang libong pasyente ang nabigyan at uminom ng nakamamatay na gamot.

ANGELINA JOLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with