^

Punto Mo

EDITORYAL - Excise tax sa petrolyo suspendihin muna

Pang-masa
EDITORYAL - Excise tax sa petrolyo suspendihin muna

SA darating na Martes, may nakaamba na namang pagtaas sa diesel, gasoline at kerosene. Kung magkakatotoo ito, pang-anim na sunud-sunod na linggo nang nagtataas ang presyo ng petroleum products. Noong nakaraang Martes, nagtaas ng P1.50 ang bawat litro ng diesel at P0.75 sa gasolina. Nagtaas din ang kerosene ng P0.75. Ayon sa Department of Energy Oil Industry Management Bureau, ang pagtataas ay dahil sa pagtigil ng operasyon ng supply lines at logistics ng oil facilities sa Russia.

Kapag nagpatuloy ang pagtataas gaya nang nangyari noong Setyembre 2023 na 10 linggong sunud-sunod, apektado ang mamamayang kakarampot ang suweldo. Sa pagtaas ng petrolyo, sabay na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas na ngayon ay P40-45 ang kilo; sardinas, noodles, isda at karne.

Ang pinakamasakit, kapag humingi ng panibagong increase ng pasahe ang transport groups. Dahil sa pagtaas ng petrolyo, wala nang kinikita ang mga drayber. Kakarampot ang inuuwi sa pamilya at kulang pa dahil sa pagtaas ng mga bilihin. Ang naiuuwi nilang P700 ay P300 na lamang. Saan aabot ang P300?

Noong nakaraang taon, nagbigay ng fuel subsidies ang pamahalaan sa PUV drivers. Binigyan ng tig-P6,500 ang mga driver ng tradisyunal na jeepney, public utility buses, mini buses, taxi, shuttle services taxis, transport network vehicle services, tourist transport services, school transport services at Filcabs. Ang drivers ng delivery services ay tumanggap ng P1,200 at ang tricycle dri­vers ay P1,000.

Pero ang subsidiya ay panandalian lamang. Pantapal lamang ito para maibsan ang kumukulong sikmura ng mga drayber at kanilang pamilya. Kapag naubos ang subsidy, balik uli sa paghihikahos dahil patuloy naman ang pagtaas ng presyo ng petrolyo. Paano kung magtuluy-tuloy ang oil price hike? Paano kung wala nang pag-asang bumaba dahil kinokontrol ng mga bansang nagmimina ng langis? Paano kung magpatuloy ang pangha-hijack ng mga pirata sa oil tankers na naglalayag sa Red Sea at iba pang karagatan?

Noon pa, marami nang nagpapanukala na suspendihin muna ang excise tax sa petroleum products para bumaba ang presyo. Nakasaad sa TRAIN Law na kapag ang presyo ng bawat bariles ng langis ay umabot sa $80, maari nang suspendihin ang tax sa petroleum. Sa kasalukuyan, pumapalo na sa $82.03 ang bawat bariles ng crude oil sa pandaigdigang pamilihan.

Ito ang pinakatamang paraan para maibsan ang bigat na pinapasan ng mamamayan dahil sa oil price hike. Itigil muna ang pagkolekta ng buwis sa mga produktong petrolyo at saka ibalik kung nag-stable na ang presyo.

GASOLINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with