^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi na makararanas ng gutom ang Pinoys

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi na makararanas ng gutom ang Pinoys

SA ilalim daw ng Bagong Pilipinas ay wala nang makararanas ng gutom. Wala raw maiiwan at lahat ay makatitiyak na may sapat na pagkain. Wala nang hahapdi o kakalam ang sikmura.

Sinabi ito ni President Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang linggo nang pangunahan niya ang seremonyal na pag-aani ng palay sa Brgy. Mandili, Candaba, Pampanga. Tinesting pa niya ang traktorang pang-ani. Makikita sa kaparangan ang mga namumutiktik na aanihing palay sa lugar. Nagpapakita na magiging sagana ang ani.

Sa kanyang talumpati, hiniling ng Presidente sa mamamayan na makipagtulungan dahil ito ay maghahatid sa mas magandang Pilipinas kung saan wala ni isa man ang maiiwan. Lahat umano ay makikinabang sa “Bagong Pilipinas”.

Ang sapat na pagkain sa hapag ang minimithi nang nakararaming Pilipino. Nang ipangako ni Marcos noong 2022 presidential elections na magiging P20 ang kilo ng bigas, maraming natuwa. Iyon marahil ang dahilan kaya maraming natanggap na boto si Marcos at naluklok siya sa puwesto. Maraming nanalig na matutupad ang pangako sa murang bigas. Pero ang pangako ay hindi nagkatotoo. Bagkus, nagmahal pa. Sa kasalukuyan, P40 hanggang P60 per kilo ng bigas.

Sa surbey ng Social Weather Station (SWS) noong Disyembre 2023, 12.6 percent ng mga pamilya ang nagsabing nakaranas sila ng gutom sa huling tatlong buwan ng 2023. Ayon sa SWS, ang insidente ng pagkagutom ay naranasan sa Mindanao, Metro Manila, Balance Luzon at Visayas.

Sa surbey naman ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, naitala na tumaas sa 3.7 ­milyong pamilyang Pilipino ang walang makain. Ang Visayas ang naitalang may mataas na porsiyento na nagsabing walang makain at sinundan ng Mindanao.

Ang Metro Manila at Mindanao ay nananatiling mataas ang bilang ng mga nagugutom. Ibig sabihin, nananatili pa rin ang kasalatan nang marami at wala silang maipantustos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Problema pa rin ang unemployment sa bansa.

Kung magkakatotoo na wala nang magugutom na Pilipino sa hinaharap, magandang balita ito. Magkakaroon ng katuparan ang matagal nang pangarap na wala nang kakalam ang sikmura. Sikapin din naman sana na makalikha nang maraming pagkakakitaan para tuluy-tuloy ang ginhawa ng mamamayan. Para makalikha ng trabaho, pagtutuunan ang pagpapaunlad sa agrikultura. Paramihin ang ani. Ito ang tiyak na magsasalba sa mamamayan sa kuko ng kagutuman.

HUNGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with