^

Punto Mo

EDITORYAL - Manila Bay, ­tambakan ng basurang plastic

Pang-masa
EDITORYAL - Manila Bay, ­tambakan ng basurang plastic

SINABI ng Ecowaste Coalition na 90 percent ng mga basurang nakukolekta sa Manila Bay ay single-use plastic. Ayon sa Ecowaste, hindi lang banta sa kalusugan ng tao ang mga basurang plastic kundi pinalulubha rin ang krisis sa kapaligiran at pagbabago ng klima.

Sa 2023 Marine Litter Monitoring Survey in Manila Bay na isinagawa ng Ecowaste, Korean International Cooperation Agency, De LaSalle University-Dasmariñas at Department of Environment and Natural Resources, lumalabas na pawang basurang plastic ang nasa sa Manila Bay. Kabilang sa mga basurang plastic na nakolekta sa Manila Bay ay single-use utensils, iba’t ibang sachets ng coffee, shampoo, catsup; wrappers, cup ng noodles at iba pang mga plastic na lalagyan. Marami ring nakolektang fiber, film, at hard plastic.

Noong 2021, sinabi ng World Bank na masyado nang nagdedepende ang Pilipinas sa single-use plastics. Tinagurian na nilang “sachet economy” sapagkat umabot na sa nakaalarmang level ang plastic pollution sa rehiyon. Kung hindi raw magkakaroon ng pagbabago at magpapatuloy sa pagdepende ang bansa sa single-use plastic, lulubha pa ang problema. Ipinayo ang mahigpit na implementasyon ng Solid Waste Management Act of 2000, Clean Water Act of 2004 at Operational Plan for the Manila Bay Coastal Strategy.

Nang manungkulan si President Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 2022, ipinangako niya na tutulong ang Pilipinas sa paglilinis ng mga basura sa karagatan particular ang mga single-use plastic. Hindi raw tatalikod ang pamahalaan sa tungkulin lalo pa’t ang Pilipinas ay isa sa plastic polluter sa Asia.

Sa ikalawang State of the Nation Address ni Marcos Jr. noong Hulyo 2023, hiniling niya sa Kongreso na magpasa ng batas na mag-iimposed ng excise taxes sa single-use plastics.

Hindi kumilos ang Kongreso at sa halip ang pag-amyenda sa 1987 Constitution ang inatupag. Mas mahalaga sa mga mambabatas ang pag-amyenda kaysa gumawa ng batas laban sa pagbaha ng single-use plastic na banta sa mamamayan at kapaligiran.

Hindi na biro ang umaapaw ng plastic sa Manila Bay na mas nakikita pa kaysa sa nakabibighaning paglubog ng araw. Ang mga basurang plastic ang mga pangunahing bumabara sa drainages dahilan para magbaha sa Metro Manila. Magkaroon nang pangmatagalang solusyon laban sa plastic solution o ipagbawal na ang mga single-use plastic at umisip ng ipapalit dito. Sa ibang bansa gaya ng Thailand, dahon ng saging ang ginagamit na lalagyan ng produkto. Gayahin ito.

BASURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with