^

Punto Mo

Aral mula kay Mahatma Gandhi

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Si Gandhi ang nagsabing, “Ilagay ang isip at kaluluwa sa kahit anumang pinakamaliit na bagay na ginagawa mo.” Ito ang prinsipyong isinapuso niya kaya mula sa pagiging average student, nagtapos siya ng abogasya sa London.

Abogado na siya noon pero mahiyain pa rin si Gandhi. Minsan ay ipinadala siya ng Indian Law firm sa South Africa para asikasuhin ang isang legal case. Nang panahong iyon, marami na rin ang naninirahang Indian sa South Africa.

Isang araw, namasyal si Gandhi at nagpasyang sumakay ng tren. Aba, wala pang ilang segundo ay may dalawang lalaking Aprikano ang bumuhat sa kanya at inihagis siya palabas ng tren.

Bawal palang sumakay ang Indians sa first class train sa South Africa. Kasi kung hindi alipin ay laborer at mga tindero lamang ang mga Indian sa South Africa.

Kahit tapos na ang legal case na inasikaso niya roon, nanatili siya nang matagal sa South Africa para tulungan ang kanyang mga kababayan na magprotesta tungkol sa racial discrimination.

Ito ang naging simula ng kanyang pakikipaglaban para sa kanyang mga kababayan. Naibigay sa mga Indians ang equal rights sa South Africa dahil sa non-violent protest na pinangunahan ni Gandhi.

Si Gandhi ang nagsabing maging simple lang dapat ang pamumuhay ng mga public officials para  maiwasan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Upang ipakita na isinasabuhay niya ang kanyang mga itinuturong prinsipyo, wala siyang ginamit na damit kundi ang kapirasong telang nakabalabal sa kanyang katawan.

Ito ang isinusuot niya habang nagpuprotesta ang grupo nila laban sa British government na sumasakop sa India. Siya ang naging mukha ng non-violent political protest. Ang iba’t ibang protesta na pinamunuan niya ang naging daan tungo sa  kalayaan ng India mula sa kuko ng mga mananakop na British.

GANDHI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with