Lalaki, nagpa-baby shower sa 5 babae na kanyang nabuntis!
NAG-VIRAL kamakailan sa social media ang isang joint baby shower ng limang kababaihan dahil isang lalaki lamang ang ama ng kanilang pinagbubuntis!
Nakatanggap ng pambabatikos mula sa mga netizens ang American rapper na si Zeddy Will matapos itong mag-organisa ng baby shower para sa limang babae na pinagsabay-sabay niyang buntisin.
Nagsimulang mag-viral sa TikTok ang issue matapos mag-post ng invitation ang isa sa mga nabuntis ni Will na si Lizzy Ashleigh.
Ang imbitasyon ay may pamagat na “Welcome Little Zeddy Wills 1-5”. Mababasa sa post ni Ashleigh na iniimbitahan nito ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak na dumalo sa joint baby shower kasama ang apat na iba pang binuntis ni Will.
Ang baby shower ay isang party na kadalasang inoorganisa bago manganak ang isang buntis.
Kalakip ng imbitasyon ay litrato ni Will, Ashleigh kasama ang apat na kababaihan na nabuntis din ni Will na sina Bonnie B, Kay Merie, Jylene Vila, at Iyanla Kalifa Galletti.
Lalong nakadagdag sa eskandalo ay ang sumunod na pinost ni Ashleigh na isang video kung saan masayang magkakasama at nagdiriwang ang limang buntis sa kanilang baby shower. May caption ang video na nagsasabing tanggap nilang lima ang isa’t isa at tinuturing nila na isa silang malaking pamilya.
Dahil sa pambabatikos na natanggap ni Will, naglabas ng statement ang manager nito. Ayon dito, sa panahon ngayon, kailangang tanggapin ng mga tao na mayroon ng tinatawag na “modern family” na iba ang istruktura ng pamilya kumpara sa nakasanayan natin. Sinabi rin nito na ang mahalaga ay kayang buhayin at tustusan ni Will ang lima niyang magiging anak.
- Latest