^

Punto Mo

EDITORYAL - Balik muli sa ‘lisensiyang papel’

Pang-masa
EDITORYAL - Balik muli sa ‘lisensiyang papel’

SINABI ni Land Transportation Office (LTO) Chief Atty. Vigor Mendoza II noong Disyembre 2023 na wala na raw problema ang mga magre-renew at kukuha ng bagong lisensiya dahil may sapat nang plastic para rito. Wala na raw “lisensiyang papel” na iiisyu ang LTO sa 2024. Ayon kay Mendoza, paparating na ang binili nilang apat na milyong plastic para sa driver’s license card at mapupunan ang baclog. Umabot sa 700,000 ang backlog ng driver’s license. Sabi pa ni Mendoza, pati backlog sa car plates ay wala na ring problema. Isang milyong metal plates daw ang nagagawa ng LTO.

Maraming natuwa sa sinabi ng LTO chief lalo na ang mga naisyuhan ng “lisensiyang papel” na nalulukot sa kanilang pitaka. Marami sa lisensiyang papel ang lukut-lukot na. Hindi naman daw ito puwedeng i-laminate para maiwasang masira ayon sa LTO. Pero ang kasiyahang nadama ng mga kukuha o magre-renew ng driver’s license ay napalitan nang mapait na ngiti sapagkat ayon kay Mendoza noong nakaraang linggo, ubos na naman daw ang plastic cards at posibleng lisensiyang papel muli ang iiisyu sa mga aplikante.

Ang nakagugulat pa, donasyon lang daw ang dumating na mga plastic cards na nagmula sa Philippine Society of Medicine for Drivers. Pero unang sinabi ni Mendoza noong Disyembre na binili raw ito ng LTO. Ano ba ang totoo rito? At sinabi pa ng LTO chief, ang mga donasyong plastic cards daw ay kailangan pa ring sumailalim sa verification process ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Kailangan din daw inspeksyunin ng Office of the Solicitor General, ng House Committee on Transportation at Department of Science and Technology.

Ibig lamang sabihin nito, kalbaryong muli ang dadanasin ng mga mag-aaplay ng driver’s license dahil sa kakulangan ng plastic cards. Lagi na lang ang plastic cards ang ugat nang lahat ng problema na kung tutuusin ay hindi naman.

Hindi naman dapat nagkaroon ng kakapusan sa plastic cards ang LTO kung ginampanan ng mga pinuno ang tungkulin noong nakaraang taon. Unang nagkaroon ng problema sa kakapusan ng plastic cards sa panahon ni LTO chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade na nagbitiw noong Mayo 2023. Ikinatwiran ng DOTr na hindi nakipag-ugnayan si Tugade sa pagbili ng plastic cards. Sabi naman ni Tugade, ang DOTr ang nagpo-procure ng plastic cards. Pero sabi naman ng DOTr ang LTO ang naatrasado sa paghahanda sa proseso ng pagbili. Nagturuan ang LTO at DOTr. Iyon ang ugat ng problema na ang publiko ang pumapasan ngayon.

Ngayon, balik muli sa lisensiyang papel. May aasahan pa ba sa LTO sa nangyayaring ito?

DRIVER LICENSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with