^

Punto Mo

Be patient sa ­promotion, payo ni Acorda sa PNPA Class ’96!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

 ANG payo ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa kapulisan ay magtrabaho lang at tiyak ma-recognize sila at mapremyuhan, lalo na sa minimithing promotion. At higit sa lahat, samahan ito ng dasal. Si Acorda kasi ang guest of honor sa donning nina newly-promoted Brigadier Generals Arnold Thomas “Tom” Ibay at Restituto Arcanghel.

Si Ibay ay director ng Manila Police District samantalang si Arcanghel ang director ng PCADG. Kapwa sila miyembro ng PNP Academy “Kaagapay” Class ’96. Kaya sa gitna ng kanyang speech, pinatayo ni Acorda ang mga mistah nina Ibay at Arcanghel para magbigay pugay sa naunang ma-promote nilang classmates. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Mahigit 20 mistah nina Ibay at Arcanghel ang nagsitayuan kasama na sina Col. Jean Fajardo, ang spokeperson ng PNP; Col. Cris Abrahano, ang Senior Executive Assistant ni Acorda, at Col. Boyet Guzman, na dating senior aide ni ex-PNP chief Edgar Aglipay. Sina Fajardo at Abrahano ay naka-TO position na, samantalang sina Guzman, mga mistah ay ilang hakbang na lang.

Nakangiti na itong PNPA Class ’96 dahil sa promotion nina Ibay at Arcanghel, ang ibig sabihin ay nasa “zone of consideration” na sila. Wala nang hahadlang sa promotion nilang magiging general, lalo na’t magreretiro na si Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang DCA ng PNP sa Biyernes. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

“For those who are not yet promoted, keep praying. Nothing is impossible! Pag para sa iyo, para sa ‘iyo ‘yan,” ang payo ni Acorda sa PNPA Class ’96 at sa iba pang junior officers na dumalo sa okasyon. “And all you have to do is wait and time and patience. Magtrabaho lang, mare-recognize din. Ang mahirap kung maging impatient ka ang shortcut. Baka ang shortcut ay mapasama sa iyo at may mapirmahan kang ibang bagay makasakit ka ng loob,” ang dagdag pa ni Acorda.

‘Yun ang mahirap tapos tatanungin ka kung bakit mo pinirmahan eh wala naisip mo lang walang dahilan, di prinsipyo ang dahilan, mas mabigat ‘yan,” ayon pa kay Acorda. Mismooooo

Hindi naiwasan ni Acorda na ikuwento ang hirap na dinanas n’ya sa kanyang journey patungo sa pagiging PNP chief. “Nasubukan ko na ‘yung wala pang isang buwan as RD (regional director), tatanggalin na. And then I just went to a church pray over. Nalusutan naman. Binigay ko naman,’ aniya. Pagkatapos noon, hinarang ng petition ang kanyang pagiging chief PNP, subalit nalusutan naman n’ya with flying colors. “Really, kung para sa ‘iyo, para sa iyo. Basta ang importante, ‘wag kang makalimot sa Diyos, ‘yun ang nakita ko,” ayon pa kay Acorda. Dipugaaaaa!

Sa kanilang acceptance speech, ni-recall ni Arcanghel ang buhay niya sa kumbento at kung paano siya nahatak na maging pulis. Siyempre, pinasalamatan ni Arcanghel, na anak ng isang pulis, ang lahat ng opisyal na tumulong sa kanya, kabilang na si Acorda, hanggang marating niya ang kanyang star-rank. Ganundin si Ibay.

Nagpasalamat din sa mga retired at active PNP officials na gumiya sa landas niya sa PNP kabilang na sina retired NCRPO chief Boysie Rosales at Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, ang hepe ng Directorate for Operations (DO) ng PNP. Tsk tsk tsk! Sobrang haba ng listahan nina Ibay at Arcanghel eh. Kakapusin ng espasyo. Dipugaaaaa!

Para naman kay Acorda, na-deserve nina Ibay at Arcanghel ang mga “stars” sa kanilang balikat. Abangan!

vuukle comment

PNPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with