^

Punto Mo

Ang Fengshui at magandang kalooban  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY isang  babae na matulungin lalo na sa kanyang pamilya. Isa siyang negosyante kaya naging interesado siya sa Fengshui. Ang babae ay kumunsulta sa isang Fengshui expert para payuhan siya kung ano ang tamang pagsasaayos ng bahay nito.

Sa bungad pa lang ng salas ay nakita na ng Fengshui expert ang mga maling kaayusan sa bahay. Ang maling nakita niya ay magdudulot ng masamang epekto sa negosyo. Ayon sa babae, may problema siya sa kanyang negosyo ngunit hindi naman ganoon kagrabe. Kasi bago pa man lumaki, natutuklasan na kaagad niya ito at nagagawan kaagad ng solusyon.

Sa pananaw ng Fengshui expert, ang pagiging matulungin ng babae at ang kanyang good karma ang nagsilbing “Fengshui cure”. Kaya nagkakaroon man ito ng problema sa negosyo, ito ay nasosolusyunan kaagad. Ang isa pang kabutihan ng babae ay ang pagiging mapagbigay nito sa kanyang mga empleyado. Kapag kumikita nang malaki ang kanyang kompanya, ibinabahagi niya ito sa mga empleyado sa pamamagitan ng pagbibigay ng bonus kahit hindi Pasko.

Kaya ang payo ng mga Chinese astrologers, kung ang isinasaad sa inyong horoscope ay hindi kagandahang kapalaran sa taong 2024, gumawa ng kabutihan upang mas mangibabaw ang good karma at matunaw ang kamalasan: Ang ilan sa mga ito ay ang pagdarasal, pagbibigay ng donasyon sa mga charitable institution o pagdodonasyon ng dugo sa Red Cross.

FENGSHUI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with