^

Punto Mo

Pasan-krus

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Ang babae ay mula sa pamilyang maraming magkakapatid. Palibhasa ay panganay, siya ang madalas mag-alaga ng kanyang mga kapatid. Sa mga gawaing bahay ay siya pa rin ang inaasahan dahil maghapong nasa bukid ang kanyang mga magulang. Nagpupuyos ang kalooban niya tuwing malalaman niyang buntis na naman ang kanyang ina. Kating-kati na ang dila niya na pagalitan ang mga magulang. Hindi na nga siya mapag-aral kahit sa high school lang, heto at ang hilig-hilig pa rin gumawa ng bata.

Sa sobrang frustration, isang yaya lang ng boyfriend na magpakasal sila kahit kulang pa ang naiipong pera ay pumayag siya. Gusto na niyang takasan ang pang-aalila sa kanya ng mga magulang. Tutal wala naman siyang kinabukasan sa kaaalaga ng mga kapatid, susugal na lang siya sa lalaking mahal niya.

Kaso itinira lang siya ng asawa sa mga in-laws niya. Ganoon din ang naging papel niya, katulong sa mga gawaing bahay. Ang nagbago lang ay bahay na tinitirhan niya at mga taong pinagsisilbihan. Nabigo siya sa inaasahan na kahit kaunti ay iaangat ng asawa ang kanyang sitwasyon sa buhay.

Kaya nang isilang ang kanyang panganay, hindi sinasadyang dito niya naibubunton ang kabiguan niya sa buhay. Ang anak ay walong taon pero kung asahan niya ito sa mga gawaing bahay ay parang 18-anyos na. Kapag nabigong magawa ng anak ang mga ipinag-uutos niya ay nakakatikim ito ng masasakit na salita:

“Wala talaga akong kasuwerte-suwerte  sa anak. Buti pa si ----- (pangalan ng mga kaklase o kalaro ng anak) naaasahan na ng kanyang ina. Pero ikaw, pasan-krus sa akin!”

Hindi batid ng ina na sa kabila ng murang isipan, dumuduro ang mga salitang iyon sa puso ng anak. Ikinumpara ka na nga sa ibang bata, kung saan ikaw ang “the evil one”, hindi pa nasiyahan at ikukumpara ka pa sa isang krus na pabigat sa kanyang balikat.

Minsan ay hindi na nakatiis, sinagut-sagot ng bata ang ina. Sa galit ng ina ay nakakuha ito ng kahoy. Akmang ihahampas ng ina ang kahoy sa katawan ng anak pero iniharang ng anak ang kanyang braso kaya ito ang napuruhan. Nagkaroon ng bali ang buto sa braso. Matagal-tagal din itong “nakasemento”.

Fast forward.  Nagkasagutan ang mag-ina. Ang matandang ina ay sa pinagmalupitang anak nakatira.

“Puwede ba mama, ang dami mong reklamo…pasang krus ka talaga sa akin!”

Hindi makasagot ang ina. Paano niya sasagutin, sa kanya lang namana ang mga ganoong pananalita.“Life is a boomerang. What you give, you get.”

KAPATID

LAWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with