^

Punto Mo

Ilang PUJ ­drivers/­ ­operators ‘nalinlang’ daw sa consolidation

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

KAHAPON umarangkada na ang ginagawang pagbusisi ng Kamara patungkol sa mga isyung bumangon sa ipinatutupad na PUV modernization program ng pamahalaan.

Sa unang salang pa lang na pagdinig, mukhang may nakikita nang mga umano’y ‘batik’ sa sistema ng programa, base sa mga isiniwalat ng isang jeepney driver at operator.

Ibinunyag ni Philip Burata sa pagdinig na kahit mahirap ay sumali siya at ilan pa niyang kasamahan sa sinasabing konsolidasyon para lang hindi matigil ang kanilang ikinabubuhay.

Pero nadoble ang kanilang kalbaryo nang kasuhan na sila ng carnapping.

Binanggit pa nito na bagama’t mahirap, napilitan silang magpa-consolidate para patuloy na ma­kabiyahe matapos ang Dec. 31 deadline.

Ang mga jeepney na ipinalista nila sa kooperatiba na siyang rekisitos para sa naturang ‘consolidation’ ay ipinundar umano niya, gayundin ng ilan pa niyang kasamahan at kung tutuusin ay hulugan pa pero dahilan sa pagpapa-consolidate dito ay nawalan sila ng kontrol at inangkin ito ng kooperatiba.

Ang masakit pa umano nang bawiin nila at ng kaniyang mga kasamahang driver/operator ang kani-kanilang mga sasakyan ay kinasuhan pa sila ng 38 counts ng carnapping.

Bagama’t dumulog sila sa LTFRB ay sinabi sa kanilang wala na silang hurisdiksiyon sa kanilang mga sasakyan dahil ang kooperatiba na ang may-ari sa sasakyang kanilang pinapasada, matapos na sumali sa konsolidasyon.

Mukhang  kailangan pa talagang maipaliwanag nang husto ang kinapapalooban ng mga panuntunan sa konsolidasyon at sa modernization.

Maraming bagay pa ang hindi nababatid ng mga driver at operator na kanilang ikinalilito, kasi nga hindi pa naipaliwanag nang husto. 

Hindi nila alam kung paano ba ito tumatakbo?

Palawakin  pa ang pagbibigay ng impormasyon at pagpaliwanag   bago ito tuluyan maipatupad.

Napakalaki rin umano ng presyo ng mga inaalok na modern vehicles/ jeepneys

baka kasi sa kagustuhan na makapagpatuloy  sa pamamasada eh tuluyan namang mabaon sa malaking pagkakautang ang mga ito na mas lalong lilikha ng matinding problema sa kanilang mga pamilya.

vuukle comment

PUV MODERNIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with