^

Punto Mo

Life story ni Jackie Chan  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Chapter 4

Sunud-sunod na pelikulang flop

NAMATAY si Bruce Lee noong 1973. Naisip ng isang producer na igawa si Jackie Chan ng pelikula. Ang objective ng producer ay lumikha na ikalawang “Bruce Lee” sa katauhan ni Jackie Chan. Ang kanyang first starring role ay may titulong Little Tiger of Canton. Palibhasa ay baguhan ang bida, sa iilang sinehan lang ito ipinalabas. Mas kakaunti ang sinehan, natural kakaunti rin ang makakapanood. Isang lumalagapak na flop ang pelikula niya. Sa sobrang pagkabigo, nilisan niya ang Hong Kong at sumunod sa mga magulang na nasa Canberra, Australia.

Habang nasa Australia, nag-enrol siya sa Dickson College para matutong mag-English. Para kumita, nag-aplay siyang construction worker. Tinanong siya kung ano ang kanyang English name. Nakita niyang Jack ang nakasulat na pangalan sa application form ng lalaking nasa likuran niya kaya iyon din ang sinabi niyang English name. Pagkaraan ng ilang taon, ginawa niyang Jackie ang Jack. Ang Chan ay talagang apelyido niya.

Habang nasa Australia, ipinatawag siya ng isang producer at pinabalik sa Hong Kong para bumida sa pelikulang New Fist of Fury. Nagkasunod-sunod na ang kanyang Kung Fu movies. Kaya lang, ni isa sa mga ito ay hindi kumita. Ang sakit-sakit ng kalooban niya. Ang mga kabiguang ito ang naging dahilan para siya magnilay-nilay at umisip ng epektibong paraan upang magtagumpay.

Una niyang binago ay ang attitude niya. Hindi niya dapat targetin na maging “Next Bruce Lee” dahil iisa naman talaga si Bruce Lee. Ang goal niya dapat ay maging “First Jackie Chan”.

(Itutuloy)

JACKIE CHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with