^

Punto Mo

Life story ni Jackie Chan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Chapter 2

Naging papansin sa idolong si Bruce Lee

nagpatuloy si Jackie sa pag-aaral sa China Drama Academy na isa ring boarding school. Mahirap palang mag-training sa academy. Tumatagal ng 19 hours ang training araw-araw. Isama pa rito ang regular na pambu-bully sa kanya ng mga sigang estudyante.

Ngunit isang araw, hindi na siya nakatiis na lumaban nang pagtripan ng mga bullies ang isang estudyante. Lumaban siya sa mga siga at natalo niya ang mga ito. Simula noon, hindi na siya ginagalaw ng mga sigang estudyante. Ang pagtulong niya sa naaapi ay nagkaroon nang magandang bunga.

Sa loob ng 10 taon, sinanay siya sa academy ng martial arts, acrobatics, singing at acting. Mahigpit at masakit magdisiplina ang academy. Kapag napansin nila na pa-easy-easy ka lang sa training, gugutumin ka nila at papaluin ng matigas na kahoy.

Para patuloy na matustusan ang pag-aaral sa academy, nagtrabaho sa Australia ang ama’t ina ni Jackie. Nag-board and lodging na lang sa academy ang 7-anyos na si Jackie at iniwang mamuhay nang nag-iisa sa Hong Kong.

Noong 8-anyos siya, natuwa sa kanya ang isang sikat na Taiwanese actress at kinuha siyang artista sa ginagawa nitong pelikula. Ang kanyang talent fee ay ibinubulsa ng kanyang teacher or master. Hindi siya binibigyan kahit isang kusing.

Edad 17 nang siya ay maggradweyt sa academy. Naging movie extra siya o stuntman sa iba’t ibang Chinese film production.

Noong 1971, naging ka-double siya ni Bruce Lee. Pero sa isang eksena ay natamaan siya ng suntok ni Bruce Lee. Kahit hindi gaanong masakit, umarte siya na namimilipit siya sa sakit para mapansin siya ng kanyang idol. Nagbunga naman, tinuruan siya ng kanyang idolo ng mga tamang moves sa martial arts kapag nasa harap ng camera para hindi masaktan ng kaeksena. Iyon ang simula ng pagkinang ng kanyang bituin.

(Itutuloy)

BRUCE LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with