^

Punto Mo

EDITORYAL - Air pollution sa Metro Mla lumubha dahil sa paputok

Pang-masa
EDITORYAL - Air pollution sa Metro Mla lumubha dahil sa paputok

DALAWA ang naireport na namatay dahil sa paputok habang sinasalubong ang bagong taon. Umakyat naman sa 585 ang kabuuang nasugatan kabilang ang naputulan ng daliri at kamay, pagkabulag at mga sunog. Bukod sa mga nangyaring ito, ang paputok din ang dahilan kung bakit malubha ang air pollution partikular sa Metro Manila. Sa halip na bumuti ang kalidad ng hangin, lalo pang lumala dahil sa paputok. Ang dati nang maruming hangin sa Metro Manila ay lalo pang dumumi at naging banta sa buhay ng mamamayan.

Noong gabi ng Disyembre 31, 2023, napuno ng usok ang Metro Manila at iba pang karatig na lugar. Iyon ay dahil sa mga paputok na sabay-sabay na sinindihan. Mayroong sawa o higad na sinindihan habang nakaladlad sa kalsada at pinanonood ng mga tao. Nagliwanag dahil sa sunud-sunod na putok. Sa kapal ng usok, nag-zero visibility sa maraming lugar sa Metro Manila.

Nang sumapit ang pagpapalit ng taon, lalo nang dumami ang nagpaputok at lalo pang nalambungan ng usok ang papawirin. Nakakulong sa usok ng paputok ang lungsod at halos wala nang makita.

Kinabukasan, walang pinagbago ang kapaligiran. Nakabalot pa rin ang usok ng paputok sa Metro Manila at hindi makita ang mga nakapaligid na bundok sa Sierra Madre. Halos walang maaninag. Lumipas pa ang isang araw bago ganap na nawala ang smog (smoke at fog) sa Metro Manila.

Lumubha ang air pollution dahil sa usok ng paputok. Kung hindi magkakaroon ng total ban sa paputok, lalo pang lulubha ang air pollution. Hindi lamang pagkaputol ng daliri, kamay at pagkabulag ang makukuha sa paputok kundi sakit dahil sa malalang air pollution.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga sakit na nakukuha sa paglanghap ng polluted na ha­ngin ay allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases. Ayon sa report, 120,000 Pilipino taun-taon ang namamatay dahil sa pagkalanghap nang maruming hangin. Sa pinakahuling pag-aaral, number three ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na maraming namamatay dahil sa air pollution.

Sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang mga sasakyan ang numero unong nagdudulot ng air pollution sa Me­tro Manila. Umano’y 70-80 percent ng emissions ay galing sa mga tambutso ng mga pampasaherong sasakyan lalo ang jeepneys.

Ngayong nakadagdag ang usok ng paputok sa problemang air pollution, panahon na para ipagbawal ang paputok. Total ban na. Huwag pakinggan ang sinasabing ang mga illegal na gumagawa ng paputok ang makikinabang. Ipatupad ang ban sa New Year 2025.

PAPUTOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with