Life story ni Jackie Chan
Chapter 1
Ang Bobong Estudyante
IPINANGANAK si Jackie Chan sa Hong Kong noong Abril 7, 1954. Ang tunay niyang pangalan ay Chan Kong-sang. Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang refugee mula sa Chinese Civil War.
Nakatira silang mag-anak sa Victoria Peak, distrito ng mayayaman sa Hong Kong. ‘Yun nga lang sa servants quarter ng isang magarang tahanan ng French ambassador dahil ang kanyang ama ay naglilingkod doon bilang cook samantalang ang ina ay housekeeper. Maaga pa ay ginigising na siya ng kanyang ama para turuan ng Kung Fu.
Habang gumagaling siya sa martial arts, bumababa naman ang kanyang kakayahan sa academics dahil sa pagkakaroon niya ng dyslexia. Ang dyslexia ay isang learning disability kung saan nahihirapan sila sa pagbabasa, spelling at matematika. Noong araw, hindi pa naman recognize ang ganitong problema kaya walang ginagawang paraan para masolusyunan ito. Ang akala ay bobo lang talaga ang bata.
Naisip ng kanyang ama na tanggalin siya sa primary school at i-enrol na lang sa China Drama Academy, isang Peking Opera School. Kasi hindi lang ito drama school kundi itinuturo rin ang martial arts.
Naisip ng ama, tutal mahina siya sa academics, pero magaling sa martial arts, ang talent na ito ang dapat pagyamanin ng kanyang anak. Ang maganda sa drama school na ito, dito kumukuha ng extra actors ang producers ng mga pelikula sa Hong Kong at China.
(Itutuloy)
- Latest