Sari-saring kuwento ng U.S. First Ladies (Last part)
Florence Harding: Maybahay ni Warren Harding, 29th U.S. President (1921 to 1923).
Mahilig siyang magpahula sa sikat na astrologer ng Washington D.C. na si Madam Marcia. Kapag kailangan niya ang serbisyo ng manghuhula, ipinasusundo niya ito sa secret agent at pinadadaan sa lihim na entrance sa White House.
Edith Wilson: Maybahay ni Woodrow Wilson, 28th President (1913-1921).
Laging kumokunsulta ang Presidente sa kanyang asawa tuwing gagawa ito ng importanteng desisyon. Na-stroke ang Presidente noong 1919 kaya siya ang lihim na nagtatrabaho bilang “little president”. Siya ang tutol na ibigay ang responsibilidad ng Presidente sa Vice President. Siya ang nagpatakbo ng executive branch ng administrasyon hanggang sa tuluyan nang pumanaw ang Presidente.
Betty Ford: Maybahay ni Gerald Ford, 38th President (1974-1977).
Noong nagsimulang mangampanya ang Republicans para sa kandidatura ni Gerald Ford bilang Presidential candidate, nag-alala sila sa misis nito na may pangit na imahe: diborsiyada ito bago naging asawa ni Ford. Bukod dito, adik ito sa alak at pain killer. Buti na lang at naitawid ng Republicans ang kandidatura ni Ford at suwerteng nanalo ito.
Jackie Kennedy: Maybahay ni John F. Kennedy, 35th President (1961-1963).
Heavy smoker si Jackie Kennedy. May instruction sa White House photographers na huwag itong kukunan ng litrato kapag may hawak na sigarilyo. Bagama’t alam ng marami na siya ay naninigarilyo, hindi tanggap ng publiko na ang First Lady ay parang tambutso kung magpalabas ng usok sa kanyang bunganga.
- Latest