7 pisikal na senyales ng depresyon
AKALA mo, okey ka lang pero sa kaibuturan ng iyong puso, may namumuo na palang depresyon sa iyong pagkatao. Narito ang mga palatandaan:
1. Madalas sumakit ang iyong mga kasu-kasuan. At hindi lang ito sa iisang parte ng katawan, palipat-lipat sa bawat araw. Matatanggal ang sakit sa likod pero sasakit naman ang tuhod. Ang taong maligaya sa buhay ay walang nararamdamang pisikal na sakit dahil ang sakit ay kakambal ng iyong “mood”.
2. Nahihirapang makatulog pero dati, daig pa ang mantika, kung matulog.
3. Nagkakaproblema sa balat dahil kung anu-ano ang tumutubo. Eczema, psoriasis o tagihawat.
4. Madalas nakakadama na parang masusuka, heartburn, tinitibe o nagtatae. Ang ating bituka kasi ay tumutugon sa kondisyon ng ating mood.
5. Dumadalas ang pagsakit ng ngipin dahil dumadami ang cavities. Kapag hindi maganda ang mood, tinatamad ang isang tao na maglinis ng kanyang katawan. At ngipin ang madalas na mapabayaan.
6. Laging inaatake ng migraine. Kung minsan, may kasama pang stiff neck.
7. Namamayat or lalong tumataba. Kapag depressed, ang hormone na nagbabalanse ng appetite ay “nagugulo o nasisira” kaya minsan, wala kang ganang kumain pero may panahon namang kahit isang bandehadong kanin ay kaya mong ubusin. May koneksiyon din ang kakulangan sa tulog, sa appetite ng isang tao. Basta’t lumitaw na ang mga nabanggit na senyales, mas mabuting komunsulta sa doktor para malunasan ang depresyon habang maaga pa.
- Latest