Amoy bulok na ang 2025 election
NAUWI na sa patibayan ng sikmura ang banggaan ng kampo ng Marcos at Duterte sa pagpapasingaw ng mga natatagong baho ng isa’t isa.
Kaninong kampo kaya ang lalabas na pinaka-mabaho?
Nagbabatuhan ng putik ang mga sampay-bakod na mga propagandista ng magkabilang kampo.
Pero halata namang kulang sa sustansya ang mga basurang balita na inimbento lang kapalit ng pera na malamang na ninakaw lang sa bayan.
May pera talaga sa bulok na basura!
Nawala na rin ang kasagraduhan ng mga simbahang Kristiyano dahil sa pag-endorso at pagbabasbas sa kandidatong pinili raw ng Diyos.
Mga kandidatong amoy impiyerno!
Pinaalagwa na ng isang public opinion research firm ang resulta ng kanilang surveys. Karamihan daw sa mananalong senador ay oldtimer politicians kabilang ang “dabarkads” ni dating Pres. Digong Duterte.
Ooows! Talaga?
Nag-resign si Sen. Francis Tolentino na chairman ng powerful Senate Blue Ribbon Committee para simulan ang paglilibot sa buong bansa. Nangungulelat daw kasi!
Kailangang manalo ang Diehard Digong Stable sa senatorial race sa 2025 para may ibala sila laban sa Anti-China Groups at kakampi ng International Criminal Court (ICC).
Makatulong kaya si Bad Boy Robin?
- Latest