^

Punto Mo

Marami pa rin nagiging biktima ng online scam

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hanggang hindi yata natatapos ang holiday season, nandyan at aktibo sa panloloko ang mga dorobo online.

Maging ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay nababahala na sa talamak na online scams lalo na ngayong holiday season.

Kaya nga, muli silang nagbigay babala sa publiko na ma­ging alerto at matalino at huwag padala sa mga alok ng mga scammers na mananamantala sa mga mamimili o consumers.

Naku at lalo na nga at ang Pinas ang top 1 sa shopping scam sa Asya.

Nasusumpungan ng mga biktima ang mga scammer sa ipinadala sa kanilang text messages, social media at e-mails.

Bakit nga kaya marami pa rin ang nagiging biktima ng mga scammer na ito.

Ayon sa ilang eksperto iyan ay dahil sa sinasamantala ng mga scammer ang kuryusidad, pangamba at ang kadalasan ang matinding paghahangad ng mga biktima.

Kadalasang agad na naeengganyo, kahit para namang hindi kapani-paniwala ang alok ng mga ito.

Kaya nga ang payo ng mga kinauukulan, i-verify munang mabuti bago sumabak na magpakawala agad ng pera.

Ayon nga kay DILG Secretary Benhur Abalos maaaring i-report ang online scams sa pamamagitan ng website na www.scamwatchpilipinas.com.

Dito umano madaling maipapaabot ang reklamo ng direkta sa Inter-agency Response Center (I-ARC) ng gobyerno na pinapatakbo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

Dito rin makikita sa homepage ang hotline number na 1326 na maaaring tawagan para i-report ang online scams o sa pamamagitan ng pag-click ng messenger button sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation & Coordinating Center messenger.

Hinikayat din ng Kalihim ang kooperasyon ng consumers o mga nagiging biktima ng online scam na magharap ng reklamo.

Kadalasan kasi na hinahayaan na lang ng mga naging biktima na manahimik at huwag nang magreklamo , marahil dahil sa nahihiya ang ilan o ang iba naman ay ok na sa kanila na minsan silang naloko ng mga ito.

Pero kung hindi nga naman magrereklamo paano maaksiyunan at paano mahahabol ang mga scammer na ito na muli at muling makakapambiktima ng iba.

vuukle comment

HOLIDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with