^

Punto Mo

GAB, nang-raid ng POGO sa Pasay!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NI-RAID ng mga operatiba ng Games and Amusement Board (GAB) ang HC Bay Hotel sa Pasay City noong ­Disyembre 23 sa suspetsang nag-ooperate ito ng illegal gambling. Subalit iginiit ng mga kosa ko na ang 6th floor ng HC Bay hotel na matatagpuan sa Zoilo Hilario St., sa Seascape Village, Bgy. 76 sa CCP complex ay pugad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). GAB nang-raid ng POGO? Only in the Philippines!

Sinabi ng mga kosa ko na hanggang kahapon ay naka-holed up pa ang mga GAB agents na ang ginagamit ay ang opisina ni GAB Commissioner Sherwin Bugarin sa loob ng hotel. Idinagdag pa ng mga kosa ko na kumakalap na sila ng ebidensiya kaya’t pinagbubuksan ang mga vault. Eh di wow! Merry Christmas Commissioner Bugarin Sir! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon sa initial report, itong raid sa POGO ay pinamunuan ng bata ni Bugarin na si Lt. Col. Jaafar ng GAB anti-illegal gambling unit (AIGU). Armado ang mga operatiba ni Bugarin ng warrant to search, seize and examine computer data na inisyu ni Judge Racqueleen Abary-Vasquez, ng Pasay City Regional Trial Court. Ang warrant ay laban kina Ryan Hao, Ely Chan, Ian Lim, Bao Ma, Raymund Tan at Noe Ming, mga may-ari ng Xing Yao company at occupants ng buong 6th floor ng HC Bay Hotel.

Ang raid ay isinagawa noong December 23 subalit hanggang kahapon wala pang linaw kung anong mga nakumpiska at inaresto ng tropa ni Bugarin na mga ebidensiya. Dipugaaaaa!

Para maging legal ang raid, abayyyyy ginawa ni Col. Jaafar na joint operation ito ng GAB at CIDG. Subalit sa pananaliksik ng mga kosa ko itong si Jaafar ay taga-CIDG subalit ­naka-Detached Service sa GAB. Ang ibig sabihin, si Jaafar ay CIDG pa ang mother unit subalit nagtatrabaho na sa GAB. Mismooooo! Dapat may gambling paraphernalia na marekuber itong mga bataan ni Bugarin para maging legal ang trabaho nila, di ba mga kosa? Tumpak! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang nakakahilo lang ay sa Pasay City na naman ang na-raid ng POGO. Naka dalawa na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na na-raid na POGO sa siyudad ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano at pangatlo na ito. Ano ba ‘yan? Bakit ang mga POGO sa ibang lugar sa Metro Manila ay hindi nari-raid?

Sa siyudad lang ni Mayor Calixto-Rubiano may illegal na operation ang mga POGO? Kaya lumalakas ang ebidensiya na hindi kaya ni Calixto-Rubiano na burahin ang taguri na “Sin City of the South” ang Pasay, di ba mga kosa? Tsk tsk tsk! Ano sa tingin mo Boss Prince? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Teka nga pala, nabanggit ko na rin lang si Commissioner Bugarin, nais iparating sa kanya ng mga kosa ko na may kalalakihang ginigisa ang pangalan n’ya sa illegal gambling. Ang ibig sabihin kinukolekta ang pangalan niya sa mga pasugalan sa Central Luzon at Calabarzon area.

Sinabi ng mga kosa ko na sa Central Luzon, ang umiikot gamit ang pangalan ni Commissioner Bugarin ay sina Noel Payat at Frank Pilay samantalang sa Calabaron naman ay si ret. Sgt. Bate. Ang perya Queen naman ng Calabarzon na si Aleng Tessie ay nagpadulas ng P150,000 sa GAB-AIGU para hindi na galawin ang mga puwwesto n’ya sa Laguna, Cavite at Batangas. Eh di wow!

Wala namang namonitor na tong kolektor ng GAB na umiikot sa Metro Manila dahil sarado ang tabakuhan sa “no take policy” ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Abangan!

ILLEGAL GAMBLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with