^

Punto Mo

Hanggang kailan dapat bayaran ang separation pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kasama po ako sa na-retrench two months na ang nakararaan. Hanggang ngayon, hindi ko pa nakukuha nang buo ang aking separation pay dahil hindi pa raw nakababawi sa lugi ang dati kong kompanya. Hanggang kailan po ba dapat maghintay ang empleyadong natanggal bago niya matanggap ang kanyang separation pay? —Aileen

Dear Aileen,

Hindi dapat nakadepende sa kagustuhan ng employer kung kailan dapat matanggap ng empleyado ang kanyang separation pay.

Malinaw sa Labor Advisory No. 06, Series of 2020 na ang final pay, o ang mga halagang dapat matanggap ng empleyado matapos siyang tanggalin o mag-resign, ay dapat matanggap sa loob ng 30 araw matapos umalis sa serbisyo ang empleyado. Kabilang sa tinatawag na final pay ay ang separation pay, na ibinibigay kung inalis sa trabaho ang empleyado dahil sa retrenchment.

Kaya dapat, natanggap mo na ng buo ang iyong separation pay kung two months mula noong ikaw ay natanggal sa trabaho dahil sa retrenchment. Hindi dahilan ang kasalukuyang sitwasyon ng iyong dating kompanya para hindi nila tuparin ang kanilang obligasyon na magbayad ng separation pay sa loob ng tamang panahon.  Maari kang humingi ng tulong sa DOLE o sa NLRC upang masingil mo na ang kabuuan ng iyong separation pay mula sa iyong dating employer.

SEPARATION PAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with