^

Punto Mo

30 facts na ating pinaniwalaan pero mali pala (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

11. Kapag hinawakan ng isang tao ang “nestling” (baby birds) at pagkatapos ay ibabalik sa kanyang pugad, ito ay ire-reject ng kanyang ina dahil naamoy nito na hinawakan ito ng human hand. Hindi ito totoo dahil walang powerful sense of smell ang ibon para ma-detect na hinawakan ang kanyang nestling ng tao.

12. Kulay blue ang  ating dugo kapag nasa loob ng katawan. Pula ang kulay ng dugo ng tao at hindi kailanman naging blue. Nagmumukha lang itong blue  kung titingnan mula sa labas ng katawan dahil sa balat at fat.

13. Mansanas ang sinasabing “forbidden fruit” na ipinagbawal kina Eva at Adan. Ang totoo, hindi binanggit sa Bibliya na ito ay mansanas. Nagkaroon lang ng konklusyon na ito ay mansanas dahil iisa lang ang Latin word for apple and devil—ito  ay malum.

14. Bulag ang mga paniki. Lahat ng species ng paniki ay may mata at nakakakita. In fact, may mga species na taglay ang excellent night vision.

15. Hanggang 24 oras lang nabubuhay ang mga langaw. Ang totoo, nabubuhay sila hanggang 20 to 30 araw.

16. Bumabaling ang sunflowers kung nasaan ang araw. Hindi nila sinusundan ang araw, talaga lang laging nakaharap sa East ang sunflowers.

17.  Ang bakuna ay nagiging sanhi ng autism. Walang katotohanan ito. Ang balitang ito ay bunga ng fake research.

18. Pinapatay ng alak ang brain cells. Sinisira lang pero hindi pinapatay.

19. Pitong taon ang itinatagal sa tiyan ng nalunok na chewing gum dahil hindi ito natutunaw. Hindi totoo. Buo itong inilalabas kaagad ng ating katawan sa pamamagitan ng pagdumi.

20. Sa ancient Romans, ang vomitorium ay room na inilaan para sa nagsusuka. Hindi totoo. Ang vomitorium ay entrance/exit ng stadium o teatro. (Itutuloy)

FACTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with