^

Punto Mo

Babae sa South Korea, inampon ang kanyang best friend!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 44 anyos na babae sa South Korea ang ­inampon ang kanyang matalik na kaibigan dahil sa nangyaring medical emergency!

Lumaki si Eun Seo-ran sa isang dysfunctional fa­mily. Dahil dito, nagpasya siya na huwag magkaroon ng asawa at anak. Noong 2016, lumipat siya mag-isa sa isang rural community sa Jeolla province upang manirahan malapit sa kalikasan.

Doon niya nakilala ang 38 anyos na si Lee Eo-rie, isang babae na tulad niya na walang balak magkaroon ng asawa at anak. Sa loob ng isang taon, naging matalik silang magkaibigan at nagpasyang tumira sa isang bahay.

Dahil parehas na wala silang balak magkaroon ng sariling pamilya, nagkaroon sila ng kasunduan na sila na ang mag-aalaga sa isa’t-isa kapag sila ay matatanda na.

Ngunit napagtanto nila na imposible ito nang biglang na-ospital si Eun Seo-ran. Sa South Korea may batas na kamag-anak lamang ang maaaring gumawa ng critical decisions sa isang pasyente.

Doon nila naisip na kailangan nilang maging kamag-anak ang isa’t isa para wala silang maging problema kapag may naospital sa kanilang dalawa. Kaya naisip ni Eun Seo-ran na ampunin si Lee Eo-rie.

Madali ang adult adoption sa South Korea. Kailangan lamang na may consent ang magkabilang panig at mas matanda ang mag-aampon kaysa sa aampunin. Umaabot lamang ng 24 hours ang adoption process kapag kumpleto at tama ang mga papeles.

Sa ngayon, mag-ina na ang mag-best friend na si Eun Seo-ran at Lee Eo-rie. Dahil maraming naintriga sa kanilang dalawa, naglabas ng libro si Eun Seo-ran na pinamagatang “I Adopted a Friend” upang ilahad dito ang kanilang kuwento.

MEDICAL EMERGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with