^

Punto Mo

Tagapagmana ng Hermes, aampunin ang hardinero para ibigay dito ang kanyang pera’t ari-arian!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INANUNSYO kamakailan ng tagapagmana ng Hermes fashion house na si Nicolas Puech na aampunin niya ang kanyang 51-anyos na hardinero para ibigay dito ang lahat ng kanyang pera at ari-arian!

Si Puech ang fifth-ge­neration descendant o apo sa talampakan ni Thierry Hermes, ang founder ng Hermes fashion house na kilala sa mga mamahaling bags at iba pang leather goods.

Noong 2014, nag-resign si Puech bilang supervisory board ng Hermes at binenta niya ang ilang bahagi ng kanyang shares ng kompanya. Naging kontrobersiyal si Puech noong panahong ito nang magkaroon ng tsimis na ibinenta niya ang ilan sa kanyang shares sa LVMH, ang kompanyang may-ari ng Louis Vuitton.

Kabilang si Puech sa “Switzerland’s wealthiest individual” at may net worth siya na $11 billion. Sa kasalukuyan, 5.76 percent na lang ang pagmamay-ari niya sa Hermes.

Walang asawa at anak ang 81-anyos na bilyonaryo kaya ikinagulat ng lahat nang inanunsiyo nito na may balak siyang ampunin ang kanyang 51-anyos na hardinero. Ayon sa mga report, ang hindi pinangalanang hardinero ay may anak at asawa sa Morocco.

Ayon sa report ng Swiss newspaper na Tribune de Geneve, nasa legal proceedings na ang adoption. Ngunit sa Switzerland, mas mahirap mag-ampon ng matanda kaysa bata. Kailangan kasing patunayan ng nag-aampon na nakilala na niya ang kanyang aampunin simula pa noong bata pa lang ito.

Kung maaaprubahan ang adoption, mapapamanahan ang hardinero ng kalahati ng yaman ni Puech. Ito ay ang shares sa Hermes, mga properties sa Switzerland at Morocco at ilang milyong dolyar.

HERMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with