^

Punto Mo

Overcrowded na mga piitan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Noon lamang nakalipas na Biyernes nasa 141 bilanggo mula sa Manila City jail ang napalaya.

Inaasahan pa ngang bago pa matapos ang Disyembre ay ­muling makapagpalaya pa ng mga bilanggo na bahagi ng programa ng Supreme Court (SC) at Department of Justice (DOJ) sa decongestion o ang pagpapaluwag sa mga bilangguan sa bansa.

Kabilang naman sa mga napapalaya ay yaong may mga dismis ang kaso, o ang napagsilbihan na ang sentensya na ibinaba sa kanila ng korte.

Kasama rin ang mga naging kuwalipikado ang maayos na napagsilbihan ang sentensya sa ilalim ng “good conduct time allowance (GCTA)” at TATSM (Teaching, Study and Mentoring) programs.

Ang GCTA ay pribiliheyo na ibinibigay sa isang inmate para mabawasan ang kaniyang sentensya, base sa magandang asal o pag-uugali na ipinapakita niya sa loob ng bilangguan, habang ang mga bilanggo naman na nag-enrol sa Alternative Learning System (ALS) ay nagkaroon rin ng “time allowance” sa ilalim naman ng TATSM.

Sa Manila City Jail na may sukat na 2.4 ektaryang lupain at idinisenyo para lamang sa may 1,100 mga inmates, pero sa datos hanggang noong Enero 2023 mahigit na sa 5,500 ang mga nakapiit.

Siguradong malaki pa ang nadagdag sa mga nakalipas na buwan.

Nabatid pa nga na nasa 358 % ang congestion rate sa mga piitan sa buong bansa, nasa 122,000 inmates ang binabantayan ng BJMP, gayong hanggang 56,000 lamang ang makakaya ng mga itong pangasiwaan.

Halos ganito rin ang sitwasyon sa marahil sa Bilibid at sa mga pasilidad na pinangangasiwaan ng Bureau of Correction (BuCor).

Kung hindi ito gagawin, pinangangambahang baka hindi na magkagalawan pa sa loob ang mga bilanggo, kung saan nga sa ibang kulungan hindi na nakukuhang makahiga ng ilan dahil sa siksikan.

Ang congestion sa mga piitan, na ayon nga sa Commission on Audit (COA) na nakapuna na rin dito ay siyang pinakamalaking suliranin sa mga jail facility.

Dapat umano itong matugunan ng pamahalaan dahil kung hindi ay patuloy na magiging problema ang isyu sa kalusugan at sanitasyon sa mga bilanggo na posibeng pagsimulan sa pagdami ng gang affiliation o pangkat ng mga bilanggo para lamang maka-survive na makadadagdag pa sa mas lalong malaki p malawak na problema.

MANILA CITY JAIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with