^

Punto Mo

Puwede bang i-extend ang probationary period?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May empleyado po akong probationary na hindi nakapasa sa standards. Malinaw naman po sa kanya kung bakit hindi siya mare-regular pero nakikiusap siya na bigyan pa siya ng second chance.

Puwede ko bang i-extend ang probationary period niya o automatic ba siyang mare-regular kapag hinayaan ko siyang pumasok sa trabaho matapos ang kanyang probationary period?—Evan

Dear Evan,

Karaniwan ay hanggang anim na buwan lang talaga dapat ang probationary period ng mga bagong hire na empleyado pero ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Mariwasa Manufacturing Inc., et al. vs. Hon. Vicente Leogardo, Jr. (G.R. No. 74246, 26 January 1989) ay maari itong ma-extend kung may kasunduan sa pagitan ng employer at ng probationary employee.

Katulad ng sitwasyon na inilahad mo ay binigyan rin ng pangalawang pagkakataon ang probationary employee sa kaso ng Mariwasa matapos ipaalam sa kanya na hindi siya nakapasa sa nakatakdang standards. Nang siya ay tuluyan nang tanggalin nang hindi pa rin siya nakapasa sa standards matapos ang extended niyang probationary period ay nagsampa ng reklamong illegal dismissal ang empleyado.

Ayon sa Supreme Court, valid o may bisa ang napagkasunduang extension ng employer at employee kaya nang matapos ang extended na probationary period ay hindi pa maituturing na regularized ang nagreklamong empleyado.

Kaya sa sitwasyon mo ay mainam na humingi ka ng written na request mula sa probationay employee kung gusto mo pa siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon. Ito’y para kung sakaling hindi pa rin siya makapasa sa standards at tuluyan mo na siyang tanggalin ay may matibay kang katibayan na ang patuloy niyang pananatili sa trabaho ay dahil lamang pumayag ka na i-extend ang kanyang probationary period at hindi dahil itinuring mo na siyang isang regular employee.

EMPLEYADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with