^

Punto Mo

Education System sa Pinas, humihiyaw ng saklolo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KULELAT at maituturing isa pa rin sa pinakamahina ang batang Pinoy sa Math, Reading at Science kumpara sa ibang kabataan sa buong mundo. Ito ang lumabas sa pinakabagong findings ng Program for International Students Assessment (PISA) kung saan nakitang walang “significant improvement” ang performance ng mga mag-aaral sa bansa makalipas ang tatlong taon. Anyare? Base sa resulta ng PISA mahigit sa kalahati  ng  mag-aaral na kumuha ng pagsusulit nitong 2022 ay hindi man lamang nakaabot sa  “minimum level of proficiency” sa asignaturang Science, Math at Reading.  Ibig sabibin ng PISA scores ang Pilpinas ay mas mababa kumpara sa global average. Nahuhuli nga raw ng lima hanggang anim na taon ang level of proficiency ng kabataang Pinoy. Huhuhu!

Ang resultang ito ng PISA study ay ikinalungkot ng Philippine Business for Education (PBEd), ang NGO na ta­gapagtaguyod ng edukasyon sa bansa. Ang PISA ay sinasagawa kada tatlong taon simula noong 2000  upang suriin ang karunungan ng kabataan edad labing-lima sa buong mundo. Sumali ang Pilipinas dito noong 2018 at mula noon ay naging masaklap ang findings nito. At sino ba naman kaya ang matutuwa kung pupulutin sa kangkungan ang ating kabataan? 

Sa ikalawang pagkakataon naging mababa ang score ng Pilipinas sa PISA at ayon sa PBEd malinaw pa sa sikat ng buwan na nagpapakita na ang sistema ng edukasyon sa Pinas ay nasa “worst state”. Ayon sa PBEd, kailangang doblehin ang mga kasalukuyang ginagawa upang maibangon sa pagkakasadlak ang Education System ng Pinas. Mismooooo! Malaki ang paniniwala ng PBEd na ang kahinaan ng mag-aaral na mga Pinoy ay hindi lamang problema pang-edukasyon, kundi ng iba’t ibang sektor sa buong bansa. “The weaknesses in our basic education system will eventually translate into the weakness of our workforce, affecting the productivity and key source of our economic growth and competitiveness,” ang paliwanag ng PBEd. Tsk tsk tsk! Ang napakalaking krisis na ito ay nangangailangan ng agarang aksyon at pagtutulungan ng lahat ng sector sa Pinas, ang dagdag pa nila. Dipugaaaaa! Get’s n’yo mga kosa!

Para naman kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, ang resulta ng PISA ay naglalaman ng “uncomfortable truth” at nangangailangan ng pagtutulong-tulong upang tugunan ang malaking problema sa edukasyon ng bansa. Kaya tama ang  panawagan ng PBEd sa lahat ng sector na madaliang kumilos at isulong ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na parang hindi umuusad. Tsk tsk tsk! Puro bangayan kasi ang inuuna nitong mga pulitiko natin eh. “Now more than ever, the PISA results show the dire need of Filipino learners of our full support,” anila.

“The state of education in the Philippines demands immediate attention, collective effort, and a commitment to improvement so we can give our children the best learning experience that they deserve,” ang giit ng PBEd. Sinigurado naman ng PBEd na patuloy itong makikibahagi sa malawak na international learning assessments upang mabuting mapag-aralan ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa pagaaral ng kabataang Pinoy. Ang mga assessment, ayon sa PBEd ay magiging giya para umunlad naman mula sa kasalukuyang sitwasyon ang mga batang Pinoy. Magagamit din ang mga datos mula sa assessment tungo sa “data-driven decisions for education governance.”  Abangan!

EDUCATION

MATH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with