^

Punto Mo

Bakit mainam maging ‘single forever’?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Isang schedule lamang ang priority mo.

• Malaya mong magagawa ang mga gusto mong gawin.

• Kinakaya mong gawin mag-isa ang lahat ng bagay kahit trabahong panlalaki. Bunga nito, nagkakaroon ka ng pagpapahalaga sa sarili mong lakas. The greater the struggle, the greater the saticfaction.

• May napagtitripan ang mga kamag-anak mo tuwing may fa­mily events. “E, kailan ka naman mag-aasawa?”. At least, nagiging source of ‘entertainment’ sa kanila ang pagiging single mo.

• Wala kang bubuhaying hindi mo kaanu-ano. Kapag mahirap lang ang iyong napangasawa, asahan mong ang 50 percent ng kikitain ninyong mag-asawa ay mapapapunta sa ‘charity for in-laws’.

• Hindi ka mag-aalalang may mata-turn off kapag nagsuot ka ng ‘granny panties’ o panty na pang-lola (maluwang at malaki). Maginhawang isuot sa bahay ang ganitong klaseng underwear.

• Kung nakaligtaan mong maligo dahil sa dami ng iyong ginawa sa maghapon, okey lang matulog nang hindi naliligo. Kung may asawa, mapipilitan kang maligo bago matulog kahit natatakot kang mapasma ang katawan. Bahala na, basta fresh ang amoy ko!

• Sarili mo lang ang iyong iniintindi kaya marami kang oras para alagaan mo ang iyong sarili. Kung may karelasyon, inuuna mo siya kaysa sarili. Kapag iniwan kang duguan ang puso, saka mo lang maiisip na naging unfair ka sa iyong sarili.

• Laging favourite foods mo ang iyong kinakain. Kung may karelasyon at minsan ay kulang sa budget, ‘yung favourite food na lang niya ang iyong bibilhin o lulutuin. Martir baga ang drama.

• Hindi na kailangang mag-effort na mag-ayos sa lahat ng oras. Kung single, pwedeng matulog kahit hindi nagsepilyo. Puwede nang ipagpabukas ang pag-ahit ng buhok sa kilikili.

• Magpagulung-gulong ka man sa iyong bed dahil malikot kang matulog, hindi ka mag-aalalang may katabi kang masasaktan.

vuukle comment

PRIORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with