Kaalaman ukol sa pagkalalaki at pagkababae
1. Base sa pag-aaral ng mga British, mas gusto ng mga lalaki ang babaing malaman pero may kurba ang katawan kaysa seksing payat.
2. Peyronie’s disease ay isang kondisyon na baluktot ang penis. Pinag-aaralan ng mga doktor kung puwedeng gamitin dito ang gamot na ginagamit upang maituwid ang baluktot na daliri.
3. Sa isang pag-aaral na ginawa, mas nata-turn on ang mga babae na panoorin ang naghahalikang babae at lalaki kaysa nagtatalik ang mga ito.
4. Ang orgasm daw ng Europeans ay tumatagal ng 16 minutes at sa Americans ay seven minutes.
5. Ugaliing magyakapan ang mag-asawa habang nanonood ng TV. Ang mag-asawang laging nagyayakapan ay mas maliit ang tsansa na makaranas ng depresyon kaysa mag-asawang nagyayakapan lang kapag nagtatalik.
6. Natuklasan ng mga eksperto na ang babaing may mataas na level ng female hormone na kung tawagin ay oestradiol ay malaki ang tsansang magtaksil. Ang mataas na level ng oestradiol ay lumilikha nang malaking suso at maliit na baywang sa babae. Ang resulta, nagiging pansinin siya ng mga kalalakihan at nalalantad sa kaway ng tukso.
7. Ayon sa U.S. survey, ang mga suki ng online pornography ay mula sa mga states na conservative at religious.
8. Mas maganda ang sexual performance ng mga athletic woman kaysa walang hilig sa sports. Iyon ay dahil mas maganda ang kanilang clitoral blood flow na ang resulta ay higher sexual satisfaction.
9. Mas lalo kayong gaganahang mag-asawa kung mag-e-exercise kayo ng 20 minuto bago magtalik.
10. Ang babaing nagtataglay ng emotional intelligence ay nakakaranas nang maraming beses na orgasm. Ang emotional intelligence ay kakayahan na maunawaan ang sariling damdamin, kung bakit masama o maganda ang kanyang mood, kung bakit lagi siyang nalulungkot, etc. Hindi lang kanyang sarili ang nauunawaan niya kundi ang damdamin at behaviour ng ibang tao kaya mas madalas na kasundo siya nang maraming tao.
11. Sa buong mundo, higit-kumulang na 30 percent lang ng kalalakihan ang tuli. Mas mabilis maantig ang damdamin ng tuli kaysa hindi. Ang dulo ng penis ay mas nagiging sensitive kung manipis at walang “helmet”. Itutuloy
- Latest