^

Punto Mo

Ano ang mangyayari kapag binalewala ang ‘summons’ ng korte?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakatanggap po ako ng summons mula sa korte at ngayon po ay wala pa akong nakukuhang abogado. Ano po ba ang mangyayari kung hindi ko masunod ang nilalaman ng summons dahil wala pa nga akong abogado? Matatalo po ba ako sa kaso kahit wala namang basehan ang mga paratang sa akin? —Richard

Dear Richard,

May basehan man o wala ang kasong isinampa sa iyo, kailangan mo pa ring sumunod sa mga ipinag-uutos ng korte katulad ng summons na ipinadala sa iyo lalo na’t nakapagbigay-alam naman ang korte ukol dito. Maari kasing ipagpa­lagay ng korte na ikaw ay “in default” kung hindi ka makasunod sa summons na natanggap mo. Kapag ikaw ay “in default” ay magpapa­tuloy ang pag-usad ng kaso ng walang partisipasyon mo at hindi ka na maaring magpresenta ng ebidensiya upang mapatunayan ang mga depensa mo.

Hindi naman automatic na ikaw ay matatalo sa kaso kung ikaw ay madeklarang in default. Titingnan pa rin ng korte kung sapat ba ang ebidensiyang inihain ng nagsampa ng kaso sa iyo. Iyon nga lang, mainam pa rin na masigurado mo na mapapanatili mo ang karapatan mong makapag-presenta ng iyong ebidensiya.

Ang payo ko sa iyo ay gawan mo ng paraan na maipaliwanag sa korte ang sitwasyon mo na naghaha­nap ka pa lang ng abogado at sana ay mabigyan ka ng palugit para sa deadline ng pagsusumite ng kung anumang kailangan mo isumite base sa kung anong nakasaad sa summons. Sa pamamagitan nito, maiiwasan mo ang posibilidad na ikaw ay maging “in default” dahil maaring makita ng korte na handa ka namang sumunod sa mga ipinag-uutos nito. Mas madalas kaysa hindi ay pinagbibigyan naman ng korte ang mga ganyang hiling lalo na’t may raso­nableng dahilan katulad ng kawalan ng abogado.

COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with