^

Punto Mo

Holdaper, nahuli dahil sa suot nitong makulay na brief!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang robbery suspect ang natunton ng mga pulis dahil sa suot nitong makulay na underwear noong siya’y nangho-holdap ng isang shop sa New York, U.S.A.!

Naganap ang panghoholdap sa isang tobacco shop sa Queens, New York noong Set. 14, 2022. Ayon sa reklamong inihain sa New York Federal Court, tatlong nakamaskarang lalaki ang bumaba sa isang kotse at pinasok ang tobacco shop.

Dalawa sa mga suspek ang nanutok ng baril sa mga customer at empleyado ng shop. Ang ikatlong suspek naman ang kumuha ng pera sa cash register, nanlimas ng mga paninda at nang-agaw ng cell phone ng mga empleyado. Pagkatapos nito ay tumakas ang tatlo sakay ng kotse.

Sa CCTV footage ng shop, makikita na ang ikatlong suspek ay nakasuot ng low waist na pantalon kaya kita ang makulay na underwear nito na may print na “R 1990”. Ang naturang CCTV footage ay ipinakalat ng mga awtoridad sa publiko sa pamamagitan ng social media websites at local news programs upang mahanap ang mga suspek.

Sa tulong ng isang anonymous caller, napangalanan ang ikatlong suspek. Bukod sa pangalan, nagbigay din ang anonymous caller ng address kung saan ibinebenta ng ikatlong suspek ang kanyang mga ninakaw.

Ni-review ng mga awtoridad ang mga CCTV camera sa address na ibinigay ng anonymous caller. Doon nila nakita ang isang lalaki na nakasuot ng kaparehas na low waist jeans na may makulay na underwear. Dahil dito, mabilis nilang nakumpirma na ito ang ikatlong suspek at agad nila itong inaresto.

Nakakulong ang suspek at naghihintay ng kanyang arraignment sa federal court sa Brooklyn, New York. Sa kasalukuyan, hindi pa nahuhuli ang dalawang kasabwat ng suspek.

vuukle comment

TOBACCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with