^

Punto Mo

8 practical tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Hindi lang gamot at masustansiyang pagkain ang nagpapagaling sa maysakit, malaki rin ang naitutulong ng pagdadasal. Ito ang napatunayan ng mga researchers ng Harvard University. Mas mabilis daw gumaling ang pasyenteng nakaranas i-pray over ng kanyang  church mates kaysa pasyenteng walang nag-pray over.

2. Sikaping magdagdag ng isang dark green at isang kulay orange na gulay sa iyong diet araw-araw.

3. Upang hindi atakihin ng hika, kumain araw-araw ng isang mansanas o isang malaking kamatis tuwing ikalawang araw.

4. Huwag kumain ng carbohydrates o uminom ng beer isang oras pagkatapos mag-exercise. Tubig at prutas ang “safe” kainin pagkatapos ng exercise.

5. Pinuprotektahan ng potassium ang ating ugat na mabarahan ng “fats” mula sa mga pagkaing masebo. Kaya kumain ng mayaman sa potassium: kamote, kamatis, beans, yogurt, clams, prunes, carrot juice, molasses, isda, soybeans, melon, saging, gatas, orange juice, etc.

7. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa Germany, mas effective gawing ingredient sa hand sanitizer ang lemon grass at cinnamon bark dahil kaya nitong patayin ang  Staphylococcus aureus. Pneumonia, pigsa at ibang infection ang ilan sa mga sakit na idinudulot ng nasabing bacteria. Maglaga ng lemon grass at cinnamon bark at gawing panghugas ng kamay ang pinaglagaan nito.

8. Para mag-improved ang boyfriend-girlfriend relationship, bawasan ang araw ng pagkikita. Ito ay rekomenda ni Elizabeth Lombardo, Ph.D., author of Better Than Perfect: 7 Strategies to Crush Your Inner Critic and Create a Life You Love. Kapag nag-iisa raw ang tao, nasasanay siyang mag-isip muna bago gumawa ng isang bagay. Ang tendency ng laging magkasama, nagiging pabigla-bigla siya ng desisyon, dahil hindi makapag-concentrate.

HARVARD UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with