^

Punto Mo

‘Wag maging pasaway, para taas-multa, maiwasan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kahapon sinimulan nang ipatupad ang mas mataas na multa sa mga motoristang lalabag sa panuntunan ng EDSA Busway Lane.

Sa unang araw, daan-daang motorista ang nahuli ng mga awtoridad, na nagpapakita lamang na talagang marami ang pasaway.

Aba’y yan ang talagang kawalan ng disiplina sa kabila alam na ang polisiya  dito eh sige pa rin sa paglabag.

Eto pa ha, at karamihan daw sa mga nahuling lumalabag sa exclusivity ng bus lane ay mga sasakyan ng mayayaman, na may kakayahang magbayad ng P1,000 multa.

Pero nandyan din ang tila nagmamadaling mga motorcycle rider na tila palaging nagmamadali na kung tutuusin eh sa labas ng bus  lane eh nakakasingit na nga sila ang gusto sa maluwag pa.

Kung kaya nga tinaasan na ito at naglagay na rin ng hangganan kung ilang ulit kang maa­aresto at sa huli eh tuluyan nang pagkakansela sa lisensiya.

Kung dati kasi P1,000 ang multa sa unang paglabag, ngayon itinaas na ito sa P5,000.

Sa  ikalawang paglabag, ang motorista ay papatawan ng P10,000 multa at isang buwang sus­pensiyon ng kanyang driver’s license, bukod pa sa pagsailalim sa road safety seminar.

Sa ikatlong paglabag naman, papatawan ang violator ng P20,000 na multa, na may isang taong suspensiyon ng driver’s license.

At  ikaapat na paglabag,  P30,000 multa na may kasamang rekomendasyon sa Land Transportation Office (LTO) na kanselahin na ang lisensiya nito.

Base nga sa datos ng MMDA hanggang nitong  Nobyembre 10 lamang aniya ng taong ito ay mahigit sa 11,000 EDSA bus lane violators na ang kanilang nahuli.

Ang exclusive bus lane ay itinalaga para sa mga pampasaherong bus lamang, bukod sa kanila pinapayagan din dito ang mga emergency vehicles  ambulansiya, bumbero at ibang pang government marked vehicle.

Pero dapat talagang malinaw ng MMDA ang kung alin-alin pang governmemnt vehicles ang padadaanin dito baka yan kasi ang matitigan ng publiko na may ‘tinitignan’ at may ‘tinititigan’.

vuukle comment

EDSA BUSWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with