^

Punto Mo

Kahit sa QR code, meron ding scam

PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Matagal nang nagagamit sa maraming industriya ang tinatawag na QR code pero lalong naging pamilyar ang mga tao dito sa kasagsagan ng pandemya ng Covid-19. Napabilang ang QR code sa mga quarantine pass, vaccine card, face mask at ibang rekisitos sa pagpasok sa iba’t ibang lugar, pagbibiyahe o mga pakikipagtransaksiyon, trabaho, negosyo, at marami pang araw-araw na aktibidad sa panahon ng pananalasa ng naturang virus. Para sa mga hindi nakakabatid, ang ibig sabihin ng QR sa Ingles ay  “Quick Response”.

Ayon kay Vahid Behzadan, isang computer science and data science professor ng University of New Haven (Connecticut, United States), ang QR code ay inimbento ng inhinyerong si Masuhiro Hara noong 1994 sa kumpanyang Hapones na Denso Wave.

Naunang binuo ang QR code para matunton ang mga piyesa ng mga sasakyan sa proseso ng paggawa nito pero mabilis na naging popular ang teknolohiyang ito sa ibang industriya. Lalong  sumikat ang QR code nang maglipana ang mga makabagong smartphone na merong mga camera na nakakapag-scan ng QR code at nagagamit na ito sa mga negosyo.

Ipinaliwanag ni  Behzadan kay Caroline Bologna sa Huffington Post na ang QR code na isang klase ng two-dimensional barcode ay ideal gamitin sa sari-saring konteksto dahil madaling i-scan, mababasa sa iba’t ibang anggulo at mas maraming nailalagak na impormasyon kaysa sa tradisyunal na linear barcode.

Gayunman, nagbabala siya na meron ding pangit na bahagi sa bawat pagsulong ng teknolohiya.  Isa na rin aniyang realidad sa umuunlad na mundo ang mga scam o panloloko  sa QR code.

“Nagagawa na rin ng mga cybercriminal na makalikha ng mga malisyosong QR code na ang mga biktima ay dinadala sa mga phising sites o pinagda-download ng malwares,” sabi ni Behzadan sa Ingles. “Halimbawa, sa isang scam kamakailan, ang mga cybercriminal ay nagpapadala ng mga text messages na merong QR codes na nagsasaad na nanggaling ito sa mga shipping companies. Nang i-scan ng mga nakatanggap ang QR code, dinala sila nito sa isang phishing website na nagnakaw ng mga personal nilang impormasyon.”

Para aniya hindi mabiktima ng ganitong mga panloloko, tiyakin na kilala ang pinagmumulan ng  ini-scan mong QR codes. Kapag dinala ka ng na-scan na QR codes sa isang kahina-hinalang website, huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon.  Maaari ring mag-download ng mapagkakatiwalaang QR scanner app na aalerto sa iyo kapag merong problema sa isang code. Laging i-update ang cellphone para maprotektahan ito ng security feature ng telepono laban sa malware.

Mahalaga anyang maging mapagmatyag at maingat sa pag-i-scan ng QR codes lalo na kung hindi kilala ang mga pinagmumulan nito.  “Kung hindi ka sigurado na ligtas o hindi ang isang QR code, mas mainam na maging maingat at huwag itong i-scan,” payo ni Behzadan.

-oooooo-

Email: [email protected]

QR CODE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with