^

Punto Mo

 Libu-libong guro, ‘di sumipot noong ­halalan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

BAGAMA’T maituturing na tagumpay ang nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), may ilang isyu din pala na bumalot sa naturang halalan.

Kabilang na nga dyan ang umano’y hindi pagsipot o pag-atras sa kanilang election duties ng libu-libong guro at ilang pulis na dapat ay magsisilbing kapalit ng mga guro, na nagresulta sa pagkaantala ng halalan sa ilang lugar.

Kaya nga ayan at tiniyak ng  Commission on Elections (Comelec) na mahaharap ang mga ito sa kasong kriminal at administratibo na kanilang ihahain.

Mayroon umanong batas na nagtatadhana sa pagkakaso sa mga miyembo ng Election Inspector and Canvasser Board  na lumiban o hindi siya gumanap sa kanilang tungkulin sa halalan.

Nauna nang ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Garcia na wala naman umanong problema kung mag-withdraw ang mga ito, dahil sa hindi naman mandatory ang election day service.

Ang sinasabi ng Comelec eh yun nga namang nagsanay na, ginastusan na ng pamahalaan tapos biglang liliban sa mismong araw pa ng halalan.

Karamihan sa mga ito ay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sana magseserbisyo.

Kung sabagay din naman kasi, takot marahil ang namayani sa isipan ng ilan sa mga umatras na guro dahil sa nakikita nilang sitwasyon bago pa ang halalan.

Makita na rin sana ito ngayon pa lang ng Comelec na mabigyang solusyon  ang ganitong mga sitwasyon sa mga susunod na halalan.

Mabigyan din naman ng sapat na medical at insurance coverage ang mga guro na gagamitin sa mga halalan. 

Mapagkalooban  din sila ng sapat na honorarium sa kanilang pagdu-duty sa eleksyon, dahil hindi biro ang kinakaharap nilang banta ng karahasan at kaguluhan tuwing may halalan.

SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with