Sto. Niño ginagawang patron ng mga kulto
GIGIL at pagkasuklam ang naibulalas nang maraming sumusubaybay sa imbestigasyon sa Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI). Sa testimonya ng mga kabataang nakatakas sa kampo ni Senyor Aguila, puro kaimoralan ang itinuturo nito sa kanila. Puro denial naman ang diyos ng kulto sa Senado.
Pinagpapares-pares ni Senyor Aguila ang mga kabataang babae at lalaki at binabasbasan para maging mag-asawa. Kapag hindi pumayag ang babae na makipagromansa, ipinagagahasa sa ipinares sa kanya. Agila ng Surigao, ’monyo dating mo!
Mapagmilagro raw ang diyos nilang si Senyor Aguila. Napapatigil nito ang ulan at nagsasalita sa iba’t ibang boses. Ganyan ang exorcist di ba?
Nangungursunada rin diumano si Senyor Aguila ng makakasiping at ang mga apostoles nito ang kumukumbinsi sa babae na ibigay ang katawan nito sa Diyos nila. Naku, ‘di raw kaya magkaanak ng butete?
Tumatayong Vice President ng SBSI ang dating mayor ng Socorro na si Mamerto Galanida na pinaniniwalaang nasa likod ng bertud ni Senyor Aguila. Gumawa raw ng sariling kultong gobyerno sa Kapihan at nangunsinti ng kalokohan. Baka naman pagkamalan na siya ang reincarnation ni San Pedro. Pati si Sto. Niño ginagawang patron ng mga kulto.
- Latest