^

Punto Mo

Vote buying, raratsada sa natitirang araw ng kampanya

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAN na nga, sa natitirang tatlong araw na lamang na kampanya, ratsada na talaga ang mga kandidato sa panunuyo sa mga botante.

Busy na rin ang ilang ‘pasaway’ sa paggawa ng mga ilegal, makatiyak lang na sila ang mananaig sa darating na halalan.

Pero mabuti at maagap talaga ang mga kasalukuyang nakaupo sa Commission on Elections (Comelec) sa pagbabantay sa mga lumalabag na mga kandidato.

Kahapon naaktuhan sa ikinasang ‘Operation Kontra Bigay’ ang higit 200 indibiduwal na sangkot sa vote buying/selling sa Navotas City.

Kita ang mga sobre na ipinamamahagi sa mga indibiduwal sa isang bodega ng sardinas sa lungsod.

Ayon sa hinuling ginang na siyang promotor sa pamimigay, nagsasanay lang daw sila ng mga watchers pero hindi maipaliwanag bakit may lamang pera na nasa P300 hanggang P500 ang sobreng ipinamamahagi nito at talagang todo pila ang pinagkakalooban.

Hindi naman binanggit kung sinong kandidato ang sinusuportahan at ikinakampanya nito.

Kung sino man siya, eh tiyak madadagdag siya sa ipapadiskuwalipika ng Comelec.

Kahapon nga may kautusan na ang tanggapan tungkol sa diskuwalipikasyon ng may 100 kandidato, gayundin ang hindi pagpoproklama sakaling manalo ng may 500 pang bets sa halalan.

Ang mga pinigil ang proklamasyon kung magwagi ay nabatid na may mga nakabinbing kaso buhat sa premature campaigning, illegal campaigning at vote buying.

O di ba yan ang malupit, talagang masasampolan na ang ibang pasaway.

Kung dati kahit anong paglabag tila hindi pinapansin, ngayon hindi sila tatantanan ng mga nakaupo sa komisyon sa pangunguna nga ni Chairman George Garcia.

Desidido si chairman na maipatupad ang lahat ng umiiral na panuntunan at sa hindi susunod, sampolan na yan, patawan ng kaparusahan.

Dapat kasi manatili na sa kaisipan ang mga kailangang sunding panuntunan, pagpapakita yan ng paggalang sa batas at disiplina na  susi sa maayos at matinong panunungkulan.

ELECTION

VOTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with