^

Punto Mo

Babae na kayang magbalanse ng mga espada sa kanyang katawan, nakatanggap ng guinness world record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Minnesota, U.S.A. ang nakapagtala ng bagong world record matapos siyang magbalanse ng mga espada sa kanyang katawan!

Natutunan ni Erin Hunter ang pagbabalanse ng espada noong 2004 dahil sa pag-aaral niya ng belly dancing. Matapos ang ilang taon na pagiging belly dancer, naging eksperto na rin siya sa sword balancing.

Naganap ang record breaking attempt ni Hunter sa Edina city kung saan napagtagum­payan niyang magbalanse ng 30 na mga espada sa kanyang binti sa loob ng isang minuto.

Pagkatapos nito ay pinarangalan siya ng Guinness ng certificate na nagsasabing siya ang pinakabagong world record holder sa titulong “Most Swords Balanced on the Body in One Minute”.

Ayon kay Hunter, pinaghandaan niya ito sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-eensayo ilang araw sa isang linggo. Kasama niya sa training ang kanyang asawa na nagiging taga-timer kung gaano niya katagal nababalanse ang mga espada.

Inaalay ni Hunter ang kanyang Guinness title sa mga taong walang tiwala sa kanilang sarili at hinihikayat niya ang mga ito na subukan ang mga bagay na kinakatakutan nila.

U.S.A

WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with