^

Punto Mo

Manang Rose (189)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Tuwang-tuwa rin si Manang Rose sa pagkakapasa ni Gino sa Bar Exams. Niyakap niya ang pamangkin. Proud na proud.

“Sabi ko na at makakapasa ka at nasa top 10 pa. Napakahusay mo anak!’’

“Salamat Manang Rose.’’

“Ano ang balak mo ngayon?’’

“Mag-aaplay na po ng trabaho.’’

“Palagay ko, hindi ka na dapat mag-aplay.’’

“Bakit po Manang?’’

“Trabaho na ang lalapit sa iyo dahil nasa top 10 ka. Maniwala ka sa akin.’’

“Sana nga po Manang.’’

Tama ang sinabi ni Manang sapagkat dalawang araw makaraang lumabas ang resulta ng Bar Exam, isang malaking law firm ang tumawag kay Gino at pinagre-report siya sa tanggapan nito sa Ortigas, Mandaluyong. Kilala ang firm sa malalaking kaso na hinahawakan.

Tuwang-tuwa na ibinalita ni Gino kay Eliz ang pangyayari. Halos lumundag sa katuwaan si Eliz.

“Ang galing mo talaga Atty. Gino. Ang trabaho ang lumapit sa iyo.”

“Salamat Eliz. Salamat sa dasal mo at sa mga tulong. Mahal na mahal kita.’’

Niyakap niya si Eliz.

“Puwede na tayong magpakasal.’’

“Mag-ipon muna tayo.’’

Kinabukasan, may isang taong dumating sa bahay nina Gino. Siya ang hinahanap ng lalaki. Hindi makapaniwala si Gino.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with