^

Punto Mo

School sa England, isang artificial intelligence chat robot ang pinakabagong principal!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG boarding school sa West Sussex, England ang nag-empleyo ng Artificial Intelligence (AI) chat robot para maging principal at head teacher!

Inanunsyo kamakailan ng Cottesmore School na nakipag-collaborate sila sa isang artificial intelligence developer para lumikha ng chat robot na magiging katuwang ng kanilang headmaster sa paggawa ng mga desisyon sa iba’t ibang issue at suliranin sa kanilang paaralan.

Sa panayam sa headmaster ng paaralan na si Tom Rogerson, pinangalanan nila ang chat robot ng “Abigail Bailey” at tutulungan siya nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payo kung paano patatakbuhin ang paaralan.

Si Abigail ay hindi isang physical robot kundi isang computer chat application na katulad ng ChatGPT kung saan maaaring mag-type dito ng mga katanungan at magbibigay ito ng sagot gamit ang algorithm nito. Ayon sa app developer ni Abigail, ang algorithm nito ay naglalaman nang malawak na kaalaman tungkol sa educational management.

Nilinaw ng headmaster hindi nila iaasa kay Abigail ang lahat ng mga desisyon para sa paaralan. Kukunsulta pa rin sila sa mga totoong taong empleyado ng paaralan at gagamitin lamang si Abigail bilang pambalanse ng opinyon.

Ang Cottesmore School ay pinarangalan bilang “Prep School of the Year” noong 2020 at nagkakahalaga ng 32,000 British pounds (katumbas ng P2.2 million) ang kanilang taunang matrikula.

vuukle comment

ENGLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with