^

Punto Mo

Lalaki na kayang itago ang ilong gamit ang bibig, nakatanggap ng Guinness title!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang 22-anyos na internet celebrity ang nakatanggap ng bagong world record dahil sa kakaiba niyang talento na tinatawag na “gurning”, ang paghila ng kanyang lower lip para itago ang kanyang ilong.

Natanggap kamakailan ni Jovante Carter o mas kilala online bilang si “HolyGxd” ang Guinness World Record title na “Longest Duration Gurning with the Lower Lip Covering the Nostril” matapos niya itong magawa sa loob ng 1 minuto at 2 segundo.

Ang world record attempt ay ginawa ni Carter sa Italian TV show na “Lo Show dei Record”. Sa panayam kay Carter ng TV host ng naturang palabas, ikinuwento nito na natuklasan niya ang kakaiba niyang talento noong siya ay Grade 3 pa lamang. Breaktime niya noon sa elementary school at sinabihan siya ng kanyang kaklase na sa tuwing siya ay ngumunguya ng pagkain ay tila “nawawala” ang kanyang buong mukha.

Sa una ay hindi niya ma­intindihan ang sinasabi ng kanyang kaklase pero nang ipinaulit sa kanya ito habang nakaharap sa salamin, nakita niya na kaya palang takpan ng kanyang bibig ang buo niyang ilong.

Ayon sa Guinness World Records adjudicator na si Marco Frigatti, sobrang nakakahanga ang talentong ito dahil bukod sa flexible ang mukha ni Carter, may talento rin siya sa pagpigil sa kanyang paghinga nang matagal na oras dahil mahirap humi­nga habang naka-contort ang kanyang mukha.

Ayon kay Carter, iniaalay niya ang kanyang Guinness title sa mga tulad niya noon na mga nabu-bully dahil sa kanilang pisikal na anyo.

vuukle comment

ILONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with