^

Punto Mo

EO 41, magpapababa ng presyo ng pagkain!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI lang ang mga biyahero o negosyante ang makikinabang sa Executive Order 41 ni President Bongbong Marcos kundi maging ang sambayanang Pinoy. Kaya’t hinikayat ni Interior Sec. Benhur Abalos ang mga LGUs na mahigpit na ipatupad Ang EO 41 para gumaan ang buhay ng mga Pinoy.

Sa ilalim kasi ng EO 41, hindi na sisingilin ng LGUs ng sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees and passing through fees ang lahat ng behikulo na ang karga ay mga gulay at iba pang produkto ng mga magsasaka. Hehehe!

Sa sobrang haba ng mga bayarin na nakalista sa itaas, abayyyyyy hilung-talilong na ang mga biyahero sa gastos pagdating nila sa lugar kung saan ititinda nila ang kanilang karga, di ba mga kosa?

Ang EO 41 kaya ang kasagutan ni BBM para bumaba ang presyo ng mga gulay, isda at iba pa sa mga pamilihan? Puwede, di ba mga kosa? Kasi kapag binayaran ng mga biyahero ang lahat ng fees, abayyyyy saan nila babawiin ang lumabas sa bulsa nila? Di ba sa mga Pinoy na tumatangkilik sa kanilang panindang produkto? Mismooooo!

Kaya nasa tamang direksiyon lang itong si BBM at sa susunod na mga araw makikita na natin ang resulta nito sa mga pamilihang bayan, di ba mga kosa? Hehehe! May pakinabang din kaya ang mga magsasaka sa EO 41 ni BBM? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Nitong nagdaang mga araw, miniting ni Abalos si Gov. Dax Cua, ang presidente  ng ULAP at iba pang opisyal ng grupo para hikayatin silang magpasa ng resolution para suspendehin ang mga bayarin ng LGUs, lalo na sa mga daan o highway kung saan dumadaan ang mga behikulong naglalaman ng mga pagkain.

“The DILG recognizes that LGUs are essential partners of the national government in achieving national development goals,” ani Abalos. “We, therefore, urge ULAP to mobilize support for EO 41 to facilitate the seamless flow of goods and services throughout the country,” ang dagdag pa ni Interior Secretary.

Tama naman si Abalos ah, di ba mga kosa? Hehehe! Dapat lang suportahan ng mga pulitiko ang hakbangin ni BBM. Mismooooo!

Sa panig naman ni Cua, ipinangako n’ya ang full commitment g ULAP sa objectives ng EO 41 ni BBM sabay panawagan sa kanyang miyembro na maglabas ng resolution para tugunan ang direktiba sa lalong madaling panahon. Aniya, dapat madalian ang aksiyon nila sa kautusan ni BBM para magiging masagana ang noche buena at media noche ng mga Pinoy. Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon pa kay Cua, makipag-coordinate naman ang ULAP sa opisina ni Abalos para sa epektibong enforcement ng moratorium sa pagsingil ng pass-through fees. Sa biglang tingin, hindi naman mahirap ipatupad ng LGU itong EO 41 ni BBM dahil dati-rati wala naman ang mga fees na ito. Kaya lang nagsulputan ang samu’t saring fees ay para na rin may pandagdag na makalap na pondo ang mga LGUs. Hehehe! Di kaya para may maibulsa ding pitsa ang mga pulitiko? Tanong lang po!

Dapat sigurong isama na rin sa EO 41 ni BBM ang mga checkpoints ng military at PNP sa mga highways kung saan laganap ang kotongan sa mga behikulo ng mga biyahero. Kapag nasama ang mga checkpoints, abayyyyy hayahay na ang buhay ng mga biyahero, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with