104-anyos na lola, nag-skydiving para sa Guinness World Records!
ISANG 104-anyos na lola sa Chicago ang umaasang mapabilang ang kanyang pangalan sa Guinness Book of World Records bilang pinakamatandang skydiver matapos siyang makipag-tandem jump sa northern Illinois.
Sinalubong ng palakpakan ang 104-anyos na si Dorothy Hoffner nang lumapag siya mula sa kanyang 13,500-foot tandem jump sa Skydive Chicago Airport.
Hindi akalain ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak na kakayanin ni Hoffner ang seven minute sky dive dahil sa tuwing maglalakad ito ay kinakailangan na nitong gumamit ng walker.
Natutong mag-skydiving si Hoffner sa edad na 100 years old at simula noon, kinahiligan na niya ang hobby na ito.
Sa kasalukuyan, isinumite na ng Skydive Chicago ang mga pruweba at requirements sa Guinness World Records para mapasakamay na ni Hoffman ang titulong “Oldest Person in the World to Ever Skydive”.
Ang kasalukuyang record holder ng titulong ito ay ang 103-anyos na si Linnea Ingegard Larsson ng Sweden.
- Latest