^

Punto Mo

Gabay para sa magaan na buhay

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

1.  Pag-aralin mo ang iyong mga anak sa eskuwelahang kaya ninyo ang tuition fee. Hindi ka nakakatiyak ng good result sa mamahaling eskuwelahan. Ang importante ay may oras kang gabayan sa pag-aaral ang iyong mga anak at hindi lang iaasa ang edukasyon sa mga guro nila sa eskuwelahan. Ang good training sa bahay ay nakadaragdag ng talino sa mga bata.

2. Umupa ng apartment na kaya ng iyong budget. Huwag tumira sa bahay na hindi mo kayang bayaran. Magiging sanhi lang iyan ng stress.

3. Kung sa una pa lang, wala kang pambili ng condom, red flag na iyon na wala kang karapatang mag-asawa.

4. Iwasang ipangutang ang gagastusin sa panganganak. Mayroon kayong walong buwan para paghandaan ang pagdating ni Baby. At kung walang matatag na trabaho ang mag-asawa, huwag munang mag-anak. Masaya nga ang may anak, ngunit magiging masaya ka pa ba kung ihit na sa pag-iyak ang iyong baby dahil wala kang pambili ng gatas? Kung walang masustansiyang pagkain ang ina, paano siya mabibiyayaan ng masaganang gatas na ipapasuso sa anak?

5. Bilhin ang sasakyang matipid sa fuel at hindi masirain. Siguraduhing kaya ng iyong suweldo ang ipanghuhulog mo rito. Kung hindi mo kayang bumili ng brand new, huwag mong gagawing option ang pagbili ng segunda mano. Sakit lang ng ulo ang idudulot nito sa iyo.

6. Kumain ng healthy meal. Protektahan ang iyong pamilya laban sa lamok. Maging malinis sa paligid upang maiwasan ang pagpapadoktor at pagpapaospital.

7. Mabuhay nang simple ngunit may dignidad.

FEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with