^

Punto Mo

Confi, intel fund nauso sa ­mga tanggapan ng gobyerno

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAN na nga at nagkasundo na ang Senado at House of Representatives na alisin na ang mga confidential at intelligence funds ng mga ahensya ng pamahalaan na wala namang kinalaman sa national security.

Ewan nga ba at kung bakit nauso-uso ang paghingi ng confi at intel funds ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

Hindi pa birong halaga kundi   milyun-milyon ang hinihingi  na  kakaiba pa sa talagang hirit nilang pondo sa kanilang tanggapan.

Ayon nga sa Kongreso, ilalaan na lang ang mga pondong inihirt ng ibang ahensya sa pagpapalakas sa pagbabantay sa West Philippine Sea (WPS) lalo nga at patuloy ang pambu-bully nitong China.

Bukod pa sa pagpapalakas sa paglaban sa mga cybercrime.

Ayon sa mga lider ng Kamara,  ililipat umano ang pondo sa National Intelligence Coordina­ting Agency (NICA), National Security Council (NSC), Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang mga ahensiyang ito ay direktang sangkot sa   intelligence at surveillance na may kinalaman sa pambansang seguridad,

Ganito rin ang napagdesisyunan ng Senado, na ang tatanggalin CIF  ay  ililipat sa intelligence community gayundin sa PCG, at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na higit na nangangailangan dahil sa sitwasyon ngayon sa WPS.

Kabilang nga sa naapektuhan dito ang tanggapan ni VP at DepEd Secretary Sara Duterte na humingi ng CIF na umaabot sa P650 milyon,

Uminit ang balitaktakan sa CIF nang kuwestiyunin ng ilang kongresista at senador  ang paghingi muli ni Vice Pres. Sara Duterte ng P500 milyon na confidential fund para sa OVP at P150 milyong confidential fund para sa DepEd.

Una nang nabulgar na ang P125M confidential fund noong 2022 ng tanggapan ng  OVP ay ginasta sa loob lamang ng 11 araw o mula Disyembre 13-31, 2022 o P 11.3 M kada araw base na rin sa auditing report na inilabas ng Commission on Audit (COA).

Ngayon ngang nagkahigpitan na sa mga confi at intel fund, baka naman dapat nang magkusa ang iba pang ahensya na sila na mismo ang mag-alis o mag-give up sa kanilang CIF na wala namang kalinaw-linaw kung bakit sila nagsisihiling nito.

Yan ang hirap eh, nakalusot minsan, marami ang naggayahan.

NATIONAL SECURITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with